Chapter 3: Stalker

9.9K 335 33
                                    

Anger, Sadness, Happiness, Jealousy, Care - Feelings. Yes, I felt them all but it was all empty. And I missed the feeling of feeling it. I felt so empty na parang lahat ng dapat maramdaman ng isang tao ay unti-unting nawawala sa puso ko. I'm afraid that one day I would lose them all. That's the only thing that makes me feel I'm still alive. Gusto ko makaramdam ng kahit awa para kay Sumi, konting pag-aalala para kay Aeya at konting galit para kay Ruki. Pero wala, andoon nga 'yon sa puso ko pero hindi bilang isang pakiramdam but because I was committed to feel it. And I know there is something wrong with me. I can feel other's emotion but I can't make one for myself.

Nilakbay ko ang daan papunta sa Bleu. Gusto ko magbilang ngayon. Naglalakad ako na walang pakealam sa paligid nang may biglang bumangga sa akin. Isang matandang babae na halos hindi mo makita yong mukha dahil natatakpan ito ng buhok niyang kulay puti.

"Sorry."

I tried to sense her pero I felt nothing. Lalampasan ko na sana siya ng biglang hinawakan niya ang braso ko.

"Makikita mo na siya."

I tried not to shiver from her cold voice. Wala itong kahit anong bahid na pakiramdam.

"Po?" naguguluhan kong tanong.

"Siya. The one with the crown."

Napakunot naman ang noo ko. Magtatanong sana ulit ako nang bigla na naman itong nagsalita.

"Protect. Protect. Please."

"Lady Melona," tawag ng isang lalaki.

Napalingon naman ako at nakita si Prince Rafiro, Rank 3, na papunta sa amin.

"Kanina ka pa po namin hinihintay."

Isa pa 'to, ang lamig din ng boses. He has blue eyes and I say blue, blue lahat, walang itim at puti sa mata niya. He is an elemental being specifically water ang specialty niya kaya lahat ng tubig sa mundo ay hawak niya.

Napatingin naman ito sa akin at napatango.

Kinuha niya ang kamay ng matanda pero bago pa ito bumitaw sa akin, may tugon pa itong sinabi.

"Protect."

Nginitian ko na lang ito at ako na ang kusang kumuha sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Tiningnan ko silang naglakad papalayo sa akin at napailing nalang.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad papuntang Bleu na walang ibang iniisip kundi paano ko tatapusin ang pagbibilang. Binura ko na agad sa isipan ko lahat ng sinabi ng matanda.

Nang makarating ako sa puno ng Bleu, may nadatnan akong nakatayo doon. Nakatingala lang ito sa puno ng Bleu at para bang amaze na amaze sa pag-iiba iba ng kulay nito.

Bigla naman itong napalingon sa akin. Unti-unting may namumuong ngiti sa mga labi nito hanggang sa kinawayan ako. Nagdadalawang-isip ako kung kakawayan ko rin, hindi naman kami close at lalong hindi ko siya kilala.

Kakawayan ko na sana siya nang bigla itong umatras at natakot. Napatingin naman ako sa paanan niya at nakita ang isang Lux, mga cute na mga uod.

Napaupo siya sa mga ugat ng Bleu dahil na rin sa kakaatras. At laking gulat ko na unti-unting nagiging abo ang puno. Bigla namang napatayo 'yong lalaki at natataranta na din.

"Hoy anong ginawa mo sa puno ko?" galit kong sigaw sa kanya.

Napalingon naman ito sa akin.

"Ha? Sorry hindi ko sinasadya," takot nitong sagot.

Lumapit naman ako sa kanya pero umatras na naman ito. Lumapit na naman ako at umatras na naman ito.

"Teka nga, huwag ka ngang atras ng atras. Titingnan ko lang kamay mo."

Crown Academy I : The Truth and The HiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon