Chapter 4

23.2K 314 7
                                    

Kim

Nagising ako dahil sa lakas ng music sa headphones ko. Nakatulog pala ako sa paglalaro, Teka anong oras na ba? Tumingin ako sa relo ko pero pasado alas onse na. Wala pa si Ate Steph, Sa totoo lang gusto ko siyang maging close para maranasan kong magkaroon ng ate at gusto kong kilalanin pa sya..

Niligpit ko ang Xbox at inilagay sa ref ang chocolate cake na tinake out ko para sakanya. Maliligo lang ako tapos matutulog na..

Narinig kong may bumusina sa baba pumunta ako sa veranda para tignan kung sino.. Isang gwapong lalaki at si Ate Steph na kumakaway.. Nagkibit balikat na lang ako at nagbihis gusto ko ng matulog eh.

Antagal naman ata ni Ate Steph.. boyfriend niya siguro yun. swerte nung guy maganda, matalino,mabait echos. ang taray niya kaya!hahaha! haynako.. bahala na siya matutulog na ako!

Steph

Tok tok tok..

"Kimmy?" pabulong kong sabe at dahan dahang pumasok..

"Kimmy? Tulog ka na ba?" niyugyog ko siya ng kaunti.

Agad niyang hinawakan ang kamay ko na muntikan pa akong mapasigaw. Shit!

"What the hell Kim! Nang gugulat ka!" hawak parin niya ang kamay ko at halatang nagising ko siya.

"eh sa ginising mo ako." binitiwan niya ang kamay ko.. Nung sinulyapan ko siya ayun tulog ulit.

Mas minabuti kong magligo at matulog nalang may klase pako bukas ng maaga eh. Hay.

After 3 weeks..

Pag gising ko nakita ko si Kim na nagaayos Mukha siyang lalaki sa suot niya, Magandang lalake! Hindi naman siya super boycut pero mababa ang hair niya at may bangs pa. She's wearing a white long sleeves, gray pants and rubber shoes may fedora cap pa.. Mukhang may date ambango niya eh.

" Kim?"

"Oh? Kanina ka pa gising?" sagot niya habang sinusulyapan ako sa salamin..

"hindi naman. Pwede mag tanong?"

"oo naman."

"Tomboy ka ba?" nakita kong nanlaki ang mata niya at napatigil sa tanong ko..

"Ah- eh? Hindi ah. Boyish lang ako Ate Steph ganito lang talaga ako." medyo di sya makatingin sakin.

"Ah mabuti. Ewan ko parang homophobic ata ako eh."

"Ah ganun ba? Sige Ate steph may food sa ref kung gutom ka alis nako ha?" di na niya hinintay ang sasabihin ko at umalis na, ok lang siguro sakin ang ganun pero ewan ko ba.

Nagbihis ako at nagpunta sa RestoBar na lage namin tinatambayan ni Kim.. Pag pasok ko sa Resto nakita ko si Kim na nag aassist sa crew mukhang masaya sila..

"Kim akala ko? May date ka?"

pinanlakihan niya ako ng mata at sinenyasang umupo na. Agad naman siyang lumapit sakin.

"Steph, wala akong sinabeng may date ako. Dito muna ako sa resto nagwowork kilala ko kase may ari nito at sinabihan akong tumulong dito." nilapag niya ang tray na hawak niya at nag order.

"bat ka pala nandito?" pahabol na tanong niya habang umoder ng sweets.

"Ah wala lang magpapalipas oras wala kaseng pasok diba? Gusto mo malling tayo?" napangiti naman siya. ang cute naman niya.

"oh sige pero ok lang ba kung may kasama ako?" medyo nadismaya ako sa sagot niya gusto ko kase kame lang, di naman sa snob ako pero gusto ko yung mga kakilala ko lang ang kasama ko eh.. Hehe

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon