Chapter 5

21.4K 296 5
                                    

Kim

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mata ko.. Ganun nalang ba ako kalasing at sa bed na ako ni Ate Steph nakatulog? Shit. Pumunta ako sa bathroom para mag toothbrush. Nakaharap na ako sa salamin ng..

FLASHBACK..

"Huy!"

"Oh ano?"

"kanina ka pa tulala dyan Ate Steph, may iniisip ka ba?" nilingon ko sya ako saka bumalik ulit abg atensyon ko sa daanan.

"Ah wala. Pagod lang siguro to." humarap ulit sya sa bintana na parang bata naka patong ang isang kamay sa bintana and rested her chin on her palm

" Kim ipara mo dali!"

Itinigil ko naman ang kotse malapit sa may bar.

"Kim teka lang ha? May titingnan lang tayo" agad siyang bumaba ng kotse wala naman akong nagawa kundi sundan siya.

"Wag kang papahalata, chill kalang at umaktong Cool."

papasok na kame sa bar nagpakacool naman ako medyo kinakabahan kase ako dahil first time kong pumasok sa ganitong lugar atska bawal ang Minors dito.

"Dun tayo umupo!" agad niya akong hinila sa table na yun malapit sa couple na sinusundan namin kanina pa.

"teka ano bang ginagawa natin dito?"

"wag ka ng mag tanong basta cool kalang!" panay titig parin si Steph sa couple na yun.

"eh sino ba kase yan?" nung tinignan ko ang lalaki medyo namumukhaan ko sya.. Saan ko nga ba sya nakita? Ah tama! sya yung naghatid kay Steph past few weeks ago.

Nakita kong binubulungan ng guy yung girl tawang tawa naman yung girl.. Dinala niya malapit sa Bar area yung girl mukhang iinom ata sila.

Agad naman akong hinila ni Steph sa Bar area para matyagan muli kung anong susunod nilang gagawin.

"teka nga Steph, gabi na at ang ingay rito pwede umuwi na tay-" tinakpan ni Steph ang bibig ko ng daliri niya para tumigil ako sa pagsasalita.

"Shh wag kang maingay di ko sila marinig" wala akong magawa at nakinig nalang din katabi lang namin sila pero naka harap kame sa kabilang side para di nila makita ang mga pagmumukha namin

"Miss Oorder ba kayo?" nagulat kame sa Bartender na lumapit sa amin.

"Ah-eh kuya hindi kame-" siniko ako ni Steph

"We'll have two tequilla sunrise please" pinanlakihan niya ako ng mata.. Wala na akong nagawa.

"Is there anything else you need ma'am?"

"Ah wala na."

Umalis naman agad yung bartender para gawin yung order namin..

"teka nga Steph! Bawal akong uminom alam mo yan! Bata pa ako atska ano ba talaga ginagawa natin dito? Sino ba yan-"

natigilan ako nung makita ko si Steph na naiiyak na nung lumingon ako niya wala na dun yung guy na kanina pa namin sinusundan, hinanap siya ng paningin ko at ayun! Nakita ko rin! Nakikipaghalikan siya sa girl na kasama niya kanina..

"Are you Ok?" medyo nag alala ako sakanya kase halatang naiiyak na siya.

"Yes I'm fine."

"You sure?"

"Yes Of course!"

tumalikod siya sa akin alam kong umiiyak na siya kase itinaas niya ang ulo niya at tila pinupunasan ang mata niya.

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon