Chapter 32

12.5K 207 14
                                    

Kim

"So how are you? God, you've changed a lot, Kim.. If you haven't noticed that"

Nandito kame ngayon sa Resto to chill and have some "coffee" pero mukha napunta sa lamon pinilit nya kase akong magluto ng specialty dish ng Resto kaya napilitan nalang akong mag luto.

"Hoy!"

"Ha?"

"You're not paying attention, is there something that bothers you?"

"Ha? wala, ano nga ulit yung sinasabe mo?"

"Whoa, you were spaced out? hindi ka naman ganyan ah"

"Nothing. Maybe I'm too tired"

"Ah okay, so kamusta ka na?"

Seryoso ba sya sa tanong niya? Alin ba ang tinatanong niya? yung kalagayan ko ngayon o yung pag iwan niya sa akin?

"Heto, masaya!" pinilit kong ngumiti sakanya

Agad naman siyang nag iwas ng tingin, parang di ko inaasahan ang reaction niya sa sinabe ko. kaya iniba ko nalang ang usapan tinanong ko sya san sya nagpunta nung bigla sya nawala sabe naman nya dinala sya ng parents nya sa London ang laki ng pinagbago niya lalo syang gumanda at sumexy.

"Ikaw naman mag kwento kanina pa ako nagkukuwento eh"

"Wala naman kaseng bago sa akin eh"

Biglang nag ring yung phone ko kaya sinagot ko muna. kausap ko si Princess mukhang ang lungkot ng boses nya nagpaalam narin ako na malilate ako ng balik sa dorm kase kasama ko ang "old friend ko" medyo naguilty ako nung sinabe niyang ayos lang kung alam niya lang na hindi talaga Old friend tong kasama ko. I have to make a little white lie baka kase magalit sya kapag sinabe kong..

"Mukhang ang saya mo ata ah" pang aasar niya.

Ngumiti lang ako sabay sip ng Fruit shake ko. Ah ang sarap!!

"Sya ba yung nag papasaya sayo?"

napatingin ako sakanya hawak hawak niya yung phone ko I'm not sure kung lungkot yung nakikita ko sa mata niya kaya umiwas akon g ng tingin saka sumubo ng cake. SARAP!

"So, sya nga. ang swerte niya lang"

"Alam mo di mo na bagay mag tagalog, pwede bang mag paka British ka nalang dyan!" Pang aasar ko ang cute rin kase ng accent niya eh medyo bulol narin syang magtagalog

"Ikaw rin naman ah! American accent ka na nga dyan eh! bulol ka!"

Pang aasar din nya sa akin totoo medyo nahihirapan ako mag tagalog minsan kase matagal din akong nag-i-stay sa States simula nung 3rd year High School dun ko rin siya nakilala ipinakilala siya ni Alice sa akin, dun na kame nila Alice nag-i-stay kasama pa namin si Amy nun kaso bigla syang nawala ng wala man lang pasabe, twing naalala ko yun naiinis ako sakanya pero iningingiti ko nalang.

"Kelan ka pa andito?"

"Hmm mag iisang tao narin, lumipat kase ako dito. nag away kame ni mom eh. Ikaw?"

"So nag layas ka? wow! brave ka na ha!"

"Baliw! sort of. nag away kame ni mom, sinabe ko kaseng ayoko ng course na pinapatake niya sa akin tska sinabe ko ring.." napalunok ako halata namang naghihintay sya sa sagot ko..

"Sinabe kong tayo" nakita kong nalungkot ang mata niya

"Sorry." yun lang ang nasabe niya kaya mabilis kong ni-divert ang topic.

"Ok lang yun! dati lang naman yun eh!"

"Kahit na iniwan kita ng di nag papaalam, natakot kase ako nun kung anong sasabihin ng iba at di ko rin alam na dadalhin ako nila dad sa London"

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon