Chapter 38

11.6K 157 16
                                    

Nakaalis na ang private plane na sinasakyan ni Steph pero ako? andito parin nakatayo, tulala.. Napabuntong hininga ako nauna ng nagpaalam si Pete at Trish. Si Alice andito sa tabi ko pinagmamasdan siguro ako.

"Wala kang balak na umalis dito? wala ka pang tulog."

Basag niya sa katahimikan, although hindi naman talaga tahimik dahil nasa paliparan kame.

"Three weeks syang mawawala, Al"

Tulala parin ako. namimiss ko na sya.

"Hey" tinapik nya ang balikat ko kaya napaharap ako sakanya.

"Al, miss ko na sya"

"Adik ka talaga eh no? inaway-away mo kagabe tapos ngayon mamimiss mo ng ganyan"

"Hay.. sana umuwi nalang ako kagabe Al" napayuko ako tinatago ko yung mga luhang namumuo sa aking mga mata.

"Halika nga rito!"

Isinubsob ko ang mukha ko sa may leeg nya saka nya ako niyakap ng mahigpit. Princess I'm sorry.. hay..

--

"Ma'am Steph nandito na po tayo"

Naalimpungatan ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mga mata, binuksan pala ng flight steward ang blinds.. uggh.

Nag inat inat ako ng kaunti saka nag yawn.. kinusot kusot ko ang aking mata ko saka nag retouch.

Suot ko ang sunglasses ko at ang leather jacket nya na may hoodie. Pagbaba ko ng plane sinalubong ako agad  ng assistant ni Dad na si Architect Joey.

"Hi Ate Joey! Long time no see"

"Kamusta ka? Tagal mong di nadalaw sa site ah"

"Busy lang sa school, by the way? where's Dad and Mom?"

"Nasa site sila. before tayo pumunta doon, iwan mo muna ang gamit mo sa hotel. so, tara?"

Tumango lang ako saka pumasok sa Car. Umidlip ako saglit dahil 30mins ang byahe papunta sa hotel na tutuluyan ko.

Ginising ako ni Ate Joey saka dumiretso sa room na nakalaan para sa akin, inayos ang mga gamit ko saka naligo at nagbihis. I checked all the stuffs that I need saka bumaba..

"Steph, here's your Itinerary for the whole week"

Ibinigay ni Ate joey ang folder na hawak nya binasa ko ito saka bumuntong hininga. Namimiss ko na si Kim.. Separation Anxiety. tss!

Phone Ringing..

"Hello?"

..

"Oh? where are you?!"

..

"Okay pupuntahan kita."

*End Call*

"Ate Joey, didiretso ako sa site mamaya, may pupuntahan lang ako"

"Okay No Problem, I'll inform your dad"

Umalis ako at dumiretso sa car na itinuro ni Ate Joey may driver narin pala silang inarkila para sa akin.

"Ma'am saan po tayo?"

"Dito po kuya"

Ipinabasa ko ang text ka kuya driver..

From: Jake

Her's the address maldita *Insert address here* See you! Ingat!

"Osige mam"

After how many minutes dumating narin ako pagbaba ko umupo ako sa table malapit sa glass window. Mas nauna na naman ako, takteng lalaki yun ah! lagi nalang!

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon