Chapter 5.1

1.6K 35 0
                                    

Alas siyete pa lang ng umaga ay pumunta na si Bailey sa unit ni Katniss kaya napilitang bumangon ng maaga ang dalaga. Apatnapu't limang minuto pa lang ang lumipas ay nakaalis na sila ng hotel. Pumunta sila sa ibang bahagi ng Baguio tulad ng Maryknoll's Ecological Sanctuary at Lion Park. Nang magsawa sa kakakuha ng litrato sa mga nasabing lugar ay pinuntahan naman nila ang Baguio Botanical Garden.

The colorful flowers in the garden really fascinated her. Mahilig talaga siya sa mga bulaklak at simula pagkabata ay pinangarap na niyang magkaroon ng greenhouse. Mahilig din naman sa bulaklak ang kanyang ina kaya may maliit na garden ito sa bakuran nila sa Batangas. Lihim siyang napangiti nang maalala ang bahay nila at ang kanyang mga magulang.

"Sir, bili po kayo nitong Everlasting para sa girlfriend niyo," wika ng isang matandang lalaki na may bitbit na maraming garland.

"H-ha?" ang tanging naisatinig ni Katniss saka litong tumingin kay Bailey. Ngunit imbes na itama ang sinabi ng matanda ay ngumiti lang ito. Para bang nagustuhan din nito ang narinig. "Ah, hin—" Ngunit biglang pinutol ni Bailey ang iba pa niyang sasabihin.

"I'll take five of them, Sir," mabilis na wika nito saka kinuha ang pitaka mula sa bulsa ng suot nitong shorts.

"Heto po, Ma'am," turan naman ng matandang lalaki sabay abot ng limang garland sa kanya.

Atubili niyang tinanggap ang mga iyon sabay tingin ulit kay Bailey. Kung kanina ay ngumiti ito ngayon naman kinindatan siya nito. Gosh! But her heart suddenly danced inside her ribcage! Hindi niya maikakaila ang kilig na nararamdaman nang mga sandaling iyon.

"T-thanks," she said, trying to be at ease.

Dumukot ang binata ng limangdaang pisong papel mula sa kanyang pitaka at iniabot iyon sa matanda. Labis nitong ikinatuwa nang sabihin ng binata na huwag nang magbigay ng sukli.

Malapit lang ang Wright Park Riding Circle doon kaya iyon ang sunod nilang puntahan. She was fascinated when she saw a lot of horses. The creatures had different colors - white, black, brown and mixed. There were kids riding on ponies, too.

Lumapit sila sa isang lalaki na may bitbit na renda ng isang itim na kabayo upang arkilahin ang naturang hayop. Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay ibinigay ng lalaki ang renda kay Bailey.

"S-sasakay ba tayo diyan?" Tiningala niya ang kabayo. Medyo kinakabahan siya dahil hindi niya pa naranasang sumakay niyon.

"Yes," he confirmed.

"Paano? Hindi ako marunong sumakay ng kabayo, Bailey." May kalakip na pag-aalala ang tinig niya.

"Don't worry, Katniss. You'll be with me. I'll never put you in danger."

His last words echoed in her mind endlessly. Bumaba iyon sa kanyang puso na siyang dahilan upang magtatalon iyon sa tuwa. Oh, bakit ba siya kinikilig? Bigla siyang nawalan ng sasabihin. She tried hard to calm herself.

"Eh, hindi ba ako mahuhulog diyan? Baka kasi magwala 'yan."

"I won't let that happen. Just trust me, okay?" pagbibigay assurance nito sa kanya. Nagawa naman siyang kumbinsihin nito.

"Basta sure ka na hindi ako mahuhulog, ha?"

He flashed his pearly white teeth and smiled. "Come," he said, extending a hand to her.

Nagdaop ang kanilang mga palad at naramdaman niya ang init at lakas nito. Inalalayan siya nitong sumampa sa saddle ng kabayo. Minsan pa siyang nakadama ng takot ngunit mabilis iyong napawi nang maramdaman ang matipunong braso nito na nakahawak sa kanyang baywang.

Nang maayos na siyang nakapwesto sa likuran ng kabayo ay ito naman ang sumampa. She felt his warm breath on her nape and to her ears. It sent shivers down her spine. Lihim siyang napapitlag sanhi ng init ng hininga nito.

"Bailey..." she mumbled, conscious of how his chest rubs at her back. Hindi siya mapalagay lalo na nang kumiskis ang matitipunong braso nito sa kanyang baywang.

"Hold on tight, Katniss. Don't be scared. I'll take care of you." Hinila nito ang renda ng kabayo.

The horse leaped, at sanhi nang pagkabigla ay napatili siya. "Oh my god! Oh my god!" aniya sabay takip ng mga kamay sa sariling mga mata.

"Hey, relax! Just enjoy, okay?" malambing na wika nito.

Unti-unting napawi ang takot na kanyang nararamdaman hanggang sa nagawa na niyang buksan ang mga mata. She saw the whole place as the horse followed a certain trail. Luntian ang paligid at sariwa ang hanging nalalanghap niya. Sa hinuha niya ay paakyat sila ng bundok.

Later on, she found out that riding a horse was fun. And with Bailey's strong arms, she knew that she had nothing to be scared of. Na-realize niya rin na mabait naman talaga ito.

They went to the Mines View Park. The place had souvenir shops that sold items such as tribal artifacts and silver jewelries.

Pagkatapos itali ang kabayo sa isang kahoy ay pumunta sila sa observation deck. They reached it by following a winding stone-constructed stairway. They also hired a binocular so they could get a better view of the surroundings. Medyo madulas ang hagdanan siguro dahil umulan kaninang madaling-araw kaya mahigpit na nakaalalay si Bailey sa kanya.

Standing on a small observation deck, they saw the spectacular view of the Amburayan Valley and adjacent mountains, and over the gold and copper mines formerly operated by the Benguet Corporation. Swerte naman na hindi makapal ang fog kaya na-enjoy talaga nila ang view.

"Wow! Ang ganda!" namamanghang bulalas ni Katniss habang inililibot ang paningin sa paligid.

Siya ang unang gumamit ng binocular at halos maiyak siya sa kagandahang nakikita. She really couldn't believe that she was finally there, seeing the beauty of God's creation through her naked eyes. Sa Google niya lang kasi nakita ang Mines View Park ngunit wala pa rin talagang makakatalo kapag sa personal ito nakikita.

Ilang sandali niyang pinagsawa ang sarili at pagkuwa'y ibinaba ang aparato. Nilingon niya ang binata ngunit hindi niya namalayan na nakalapit pala ang mukha nito sa mukha niya. Muntik nang magpang-abot ang mga mukha nila at napakaliit na lang ng pagitan para maglapat ang kanilang mga labi. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at tila pinagpawisang bigla ang kanyang kilikili. Whew!

Relax, Katniss! Huwag mong bigyan ng malisya ang lahat, okay? Remember, he's Bailey Thomas Morrison. Malay mo naman, baka mabait lang pero maluko pa rin sa babae, sita niya sa sarili. She shut her eyes hard. Pilit niyang pinakakalma ang pusong patuloy pa ring nagwawala.

"Patingin nga. Pahiram ng binocular," anito na tila hindi apektado sa nangyari kanina.

She handed him the device. Their hands rubbed against each other again when he took it. The touch of his warm skin had a sensual effect in her senses that made her shut her eyes for the second time. Gusto niyang mainis sa sarili dahil hindi niya maiwasang maapektuhan sa presensiya nito.

Pati ito ay natuwa rin nang makita ang buong paligid gamit ang aparato kahit hindi iyon ang unang beses na nakita nito ang lugar. They stayed there for an hour before they went back to the Wright Park Riding Circle. Hindi niya rin nakalimutang bumili ng mga pasalubong para sa mga kasama sa opisina at sa kanyang mga magulang. Balak kasi niyang umuwi sa Batangas sa kanyang day-off.


Now We're Together Where stories live. Discover now