Chapter 8.2

1.5K 35 2
                                    


Hindi maitatago sa mukha ni Katniss ang katuwaan dahil sa ganda ng tanawing namamalas. Lulan siya ng magarang kotse kasama si Bailey. Nag-half-day lang siya sa trabaho dahil tapos na naman ang concept presentation na ginawa nila ni Jeaneth para sa kliyente. Naka-schedule na rin ang meeting para sa approval niyon.

They were on the way to Batangas and they got the chance to see the Taal Volcano when they passed Tagaytay. Hindi man iyon ang unang beses na nagbiyahe siya pauwi sa kanila na nakasakay ng kotse, ngunit masasabi niyang mas nag-enjoy siya ngayon dahil kasama niya ang binata.

Aksidenteng napalingon siya rito kaya nahuli niya itong nagnanakaw ng sulyap sa kanya.

"Bakit mo ako tinitingnan?" nakangiting tanong niya.

"Wala lang. Nakakatuwa ka kasing panoorin."

"H-ha? Bakit naman?" kunwari'y nakakunot pa ang noong tanong niya.

"Kasi mukhang tuwang-tuwa ka habang nakatingin sa labas ng bintana," wika nito na bagama't nakatuon ang pansin sa kalsada ay sumusulyap din sa kanya.

"Ah, iyon ba? Well, sino naman ang hindi matutuwa kung ganyan kaganda at kaaliwalas ang tanawing nakikita? Anyway, salamat nga pala sa pagpapasakay mo sa'kin, ha? Nakalibre tuloy ako ng pamasahe," mahabang turan niya saka binuntutan nang mahinang tawa.

"Don't mention it, Kat. Mas gusto ko ngang kasama ka magbiyahe para hindi ako antukin."

Nagdulot ng matinding saya sa kanyang puso ang huling sinabi nito. She couldn't help but to hope that their feelings are mutual. Na sana gusto rin siya nito.

Stop it, Katniss! You're assuming again. Huwag mong bigyan ng ibang meaning ang sinabi niya! suway ng isang bahagi ng kanyang utak.

Ilang minuto pa ang nagdaan at nakita na nila ang welcome arch ng Calatagan, Batangas. Indikasyon iyon na dumating na sila at sa wakas ay makikita na niya ulit ang mga magulang. Bigla siyang nabalot ng pananabik saka tiningnan ang mga pasalubong na galing pa sa Baguio.

Tanaw na niya ang makipot na daan patungo sa kinaroroonan ng kanilang bahay. Akala niya ay liliko sila papasok doon ngunit nilagpasan nila iyon.

"Saan tayo pupunta, Bailey?"

"Sa bahay niyo."

"Lumagpas na tayo."

"Oh, sorry. Saan nga 'yong daan patungo sa inyo?" sagot naman nito saka marahang tinampal ang sariling noon.

She pointed the narrow and uncemented way to their place. Nagkatawanan na lang sila dahil sa nangyari.

"It's too ironic na magkaibigan tayo noon pero ni hindi man lang ako nakapunta sa inyo," anito na tumatawa pa rin.

Kung noon pa sanang galit siya rito ay narinig niya ang ganoong pahayag, malamang nabulyawan na niya ang binata. Ngunit ngayon, tila musika na sa kanyang pandinig ang sinabi nito.

"Eh, madalas ka kasing sumasama sa chicks mo noon kaya wala ka nang oras pumunta rito," pabiro niyang sagot.

"Kaya nga bumabawi ako ngayon." Biglang nag-cartwheel ang kanyang puso nang kumindat ito pagkatapos magsalita.

Hindi na niya nagawang magsalita dahil nakita niya ang pamilyar na pigura ng may katandaang lalaki sa labas ng kanilang bahay. Nagsisibak ito ng kahoy. Tila naman hinaplos ng malamig na kamay ang kanyang puso nang makita ang dating sira-sira nilang bahay na ngayon ay maayos na.

Buwan-buwan ay nagpapadala siya ng pera na pampaayos ng kanilang bahay bukod sa ibinibigay niya sa mga magulang mula nang makapagtrabaho siya. Pagkalipas ng isang taon ay napa-renovate iyon at napaganda lalo na't magaganda ang mga pinturang ikinulay. Nakadagdag sa ganda ng paligid ang mga bulaklak na itinanim ng kanyang ina.

Bumaba siya mula sa kotse nang inihinto iyon ni Bailey. Marahil ay napansin ang sasakyan, pansamantala ring itinigil ng kanyang ama ang ginagawa nito.

"'Pa..."

"Katniss!" sagot naman ni Mang Marvino.

Bitbit ang kanyang mga pasalubong ay mabilis siyang humakbang patungo rito saka sinalubong ito ng yakap. Nakasunod naman si Bailey sa kanya.

"Carlotta, nandito ang anak natin!" tawag nito sa kanyang ina.

Hindi naman nagtagal ay sumungaw mula sa pinto ang isang babae at hindi pa man ito nakakalabas ay mabilis na iyong nilapitan ni Katniss.

"Naku, Anak, mabuti at nauwi ka ngayon," sabik na wika nito habang nakayakap sa kanya.

"Siyempre naman po, 'Ma. Eh, 'di po ba nangako ako sa inyo na uuwi ako?" aniya nang magbitiw sila.

Napasulyap si Aling Carlotta kay Bailey at bumaha ang pagtataka sa mukha nito.

"Sino naman ang binatang 'to, 'Nak?" Nakalarawan sa ekspresiyon ng mukha nito ang pagdududa na may kung anong namamagitan sa kanila ni Bailey.

"A-ah—"

"Good afternoon, Ma'am, Sir. Ako nga po pala si Bailey," magalang na bati nito sa mag-asawa sabay mano sa mga ito.

Katniss witness how Bailey amazed her parents with his simple gesture. Maski siya ay namangha rin sa ginawa nito. Hindi niya kasi inasahan na nagmamano pala ito sa mga nakatatanda.

"'Ma, 'Pa, kaibigan ko po siya," mabilis niyang dugtong sa sinabi nito

Naging mainit ang pagtanggap ng kanyang mga magulang sa binata at nakapalagayang-loob agad ito sa kanyang ama. Kaya naman hindi siya nakadama ng pagkailang nang nagpaunlak itong pumasok sa kanilang bahay nang yayain ng mag-asawa.

"Anak, pwede ba kitang makausap?" untag ni Aling Carlotta kay Katniss. Kasalukuyan siyang nasa kusina upang maghanda ng miryenda para sa kanila at sinundan siya nito. Nasa sala naman sina Mang Marvino at Bailey, nag-uusap.

"Sige po, 'Ma. Tungkol po saan?" But she thought that she already had an idea about her mother's concern.

"Tungkol sa inyo ni Paolo. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" May bahid nang pag-aalala ang boses nito.

She dragged in a deep breath and put the sandwich and the sandwich spread knife on the saucer. Ilang sandali niyang tinitigan ang ina pagkuwa'y bumuntong-hininga ulit.

"Ang totoo po n'yan ay wala na kami, 'Ma."

Mas lalong tumindi ang pag-aalalang nakarehistro sa mukha ng babae pagkatapos marinig ang kanyang sinabi. Bago pa man ito nakapagtanong ay sinimulan niyang ikwento rito ang lahat nang nangyari. Sinabi niya sa ina ang tungkol sa kahalayang nadatnan niya sa loob ng kwarto ni Paolo pati na ang pagpunta niya sa Baguio.

"Kaya pala iba ang pakiramdam ko nang nagpunta siya rito upang hanapin ka. Imposible naman kasing magdesisyon ka ng gano'n-gano'n na lang kung walang mabigat na dahilan."

"Alam niyo po kung gaano ko siya kamahal, 'Ma. Pero sadyang hindi ko talaga matanggap ang ginawa niya." Hindi na rin siya nagtaka na wala na siyang nararamdaman habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa dati niyang nobyo. Iyon ay dahil tuluyan na niya itong nakalimutan.

"Hindi talaga siguro kayo ang nakalaan para sa isa't-isa, 'Nak. Hayaan mo, marami pa namang iba riyan."

May pumitik na kung ano sa kanyang puso dahil sa unang pahayag ni Aling Carlotta. Bigla niya kasing naalala na sinabi rin iyon ni Bailey sa kanya noon.

She drew a sweet smile on her lips. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. "Siguro nga po, 'Ma."

"Maiba nga ako. Nanliligaw ba sa'yo 'yang si Bailey?"

Muntik na siyang masamid sa tanong nito. Hindi niya yata napaghandaan iyon. "Ay hindi po. Magkaklase po kami noong High School at nagkita kami sa Baguio. Naisipan niyang umuwi dito kaya sumabay na lang po ako. Nakatipid pa ako sa pamasahe."

"Ah, gan'on ba? Hmm, sayang. Akala ko pa naman manliligaw mo. Mukha namang mabait," anito na patango-tango pa.

"Naku po, 'Ma. Magkaibigan lang po talaga kami."

Natawa na lang siya sa pahayag ng ina dahil tila umaandar na naman ang bagets side nito. But deep inside, she hoped that her mother's word would cast a spell and make everything come true. Na mangyaring ligawan siya ni Bailey.

Well, libre namang mangarap.


Now We're Together Where stories live. Discover now