Chapter 5.3

1.4K 37 7
                                    

Ilang sandaling tinitigan ni Katniss ang ibinigay ni Bailey kanina. Katulad ng binili niyang kahoy na hugis kabayo ay nakabalot din iyon sa papel. Natukso siyang buksan iyon at ganoon na lang ang pagtalon ng kanyang puso nang makita iyon. Mas lalo pa siyang nasiyahan nang makita niyang may calligraphy na nakaguhit doon na, BAILEY & KATNISS. Sa lagay ba, eh, ini-imagine nito kanina na silang dalawa ang nasa nasa wood carving? Ay!

"Lord, ano po ba ang ibig sabihin nito? Isa ba itong sign na may feelings siya sa'kin?" wika niya sa naturang bagay na para bang may kakayahan iyong sumagot.

She motioned to her backpack and placed the thing inside it. Itinabi niya naman sa backpack ang binili niya, o mas tamang sabihing binili rin ng binata kanina.

Akmang pupunta na siya sa banyo upang mag-half-bath nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon mula sa side table at binuksan ang screen. Nakarehistro roon ang pangalan ng kanyang ina. Minsan pang kumunot ang kanyang noo habang iniisip kung bakit ito tumatawag.

Biglang sumagi sa kanyang isip si Paolo. Pikit-mata niyang pinindot ang 'End' button niyon ngunit sadyang makulit ang tumatawag. She dragged in a deep breath first before pushing the 'Answer' button.

"'Ma, bakit po?"

"Katniss, Anak, kumusta ka na? Asan ka ba ngayon?" sunod-sunod na tanong nito nang marinig ang kanyang boses.

She decided not to reveal her exact location. "O-okay lang po ako, 'Ma. Kumusta po kayo ni Papa? Bakit pala kayo napatawag?"

"Naku, Anak, nagpunta rito si Paolo. Hinahanap ka. Nakakaawa ang hitsura kasi mukhang walang matinong tulog. Nangangayayat na parang may napakalaking problema. Ano ba kasi ang nangyari sa inyong dalawa, ha?"

Mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan upang huwag sabihin ang ina kung nasaan siya dahil baka bumalik si Paolo sa kanila. She was sure that her mother would spill the beans to her ex. Boto kasi ang kanyang mga magulang sa lalaking iyon. Ayaw niya rin namang sabihin dito sa pamamagitan lang ng cellphone ang totoong nangyari sa kanila ni Paolo.

"Uuwi po ako ngayong day-off diyan sa Batangas, 'Ma. Diyan ko na lang po sasabihin ang lahat."

"Ano ba kasi ang problema niyong dalawa, Katniss?" anito na bakas sa boses ang pag-aalala.

"Gusto ko po sanang sa personal na pag-usapan. Hintayin niyo na lang po ako ni Papa diyan, ha?" Desidido na talaga siya na huwag munang sabihin dito ang lahat. Narinig niyang bumuntong-hininga ito.

"Sige na nga. Basta mag-ingat ka kung nasaan ka man ngayon, ha?"

"Opo, 'Ma. Pa-regards po kay Papa."

Hay naku! Ang kapal talaga ng pagmumukha ng Paolo na 'yon. May gana pa na pumunta sa bahay para magsumbong kina Mama at Papa. Tingnan ko lang kung hindi siya isuka ng mga magulang ko 'pag nalaman nila ang ginawa ng lalaking 'yon! inis na bulong niya sa sarili nang mawala sa linya ang ina. She shook her head out of disappointment before she put her cellphone back on the side table.


Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon