Chapter 9.1

1.5K 30 4
                                    

It was almost lunch time and Katniss was about to finish working when her phone rang. A sweet smile painted on her lips when she saw Bailey's name on the Caller ID. Hindi niya napigilan ang ma-excite habang iniisip kung ano naman ang pakulong gagawin nito.

Simula kasi nang maging sila dalawang lingo na ang nakakalipas ay hindi ito pumapalya sa paggawa ng mga anik anik para lang surpresahin siya. Minsan nga ay tumawag ito at nagkunwaring hindi makakasabay sa kanya sa lunch dahil sobrang busy ito sa opisina ngunit paglabas niya sa reception area ay naroon na ito at nagbibitbit ng pumpon ng bulaklak. Ngayon, ano na naman kaya ang gagawin nito?

"Hello, Bailey?" malambing na sagot niya.

"Hi, Love, how are you?" kinilig siya sa endearment nito. The way he mentions it always felt like it was the first time.

"Heto, patapos na sa concept presentation para sa bagong project. Hintayin mo na lang ako sa labas, ha? Lalabas na rin ako."

Narinig niya ang isang buntong-hininga mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya dahil doon.

"Naku, Love, iyan ang dahilan ng pagtawag ko. Sorry, hindi ako makakasabay sa'yong mag-lunch kasi nakatambak ang pipirmahan kong papeles dito," he said apologetically. Bakas sa tinig nito ang kalungkutan.

Hindi siya naniwala sa sinabi nito. Mas lalo pa ngang lumapad ang kanyang ngiti. She really had a hunch that he's up to something that would surprise her. Ngunit pinili niyang sabayan ito. Siyempre, ayaw niyang basagin ang trip nito.

"Ah, gano'n ba, Love? Sige, some other time na lang," kunwari'y malungkot na sagot niya.

"Huwag ka nang malungkot. Promise, babawi ako mamaya. Susunduin kita at magdi-dinner tayo kahit saang restaurant mo gusto," pangako nito sa kanya. Masigla na ang tinig nito.

"Okay, sige. Magkita na lang tayo mamaya. Teka, anong oras ka kakain niyan?"

"Nag-order na ako ng lunch sa canteen at ihahatid na 'yon anytime soon. Oh, I hate to say this, Love, but I have to go. Tumutunog ang intercom ko. I'll see you later, okay? I love you!"

"I love you, too. Bye." She ended the call and put the phone in her shoulder bag with an expectation that Bailey was waiting outside. Sumabay siya sa ilang mga kasamahan na nagsisipag-break na rin.

Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi nang hindi niya nakita ang nobyo sa reception area. Tumingin din siya sa labas ng bintana. Hindi niya nakitang naka-park doon ang kotse nito. Totoo nga siguro na hindi ito makakapunta ngayon. Naiintindihan naman niya dahil sobrang busy rin ito sa trabaho lalo na at hawak nito ang pinakamataas na posisyon ng kumpanya. Magkikita rin naman sila mamaya kaya biglang sumigla ang kanyang mood.

Dumako ang kanyang paningin sa may mga couch at nakita niya si Jeaneth na may kausap na magandang babae. Sexy ito, matangkad at magaling magdala ng damit. Aristokrata ang dating nito at halatang suplada kahit na nakangiti habang kausap ang kanyang kaibigan. Sa isiping isa ito sa mga magiging kliyente nila ay didiretso na sana siya sa pinto.

"Ah, Katniss, hinahanap ka ni Ma'am. Gusto ka raw niyang makausap," biglang tawag ni Jeaneth sa kanya. Lumapit agad siya sa dalawa.

"Good noon, Ma'am. I'm Katniss Orellana. How may I help you?" she politely greeted the woman with a smile on her face.

The woman looked at her from head to toe. At hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang bahagyang pagtaas ng isang kilay nito.

"I want to discuss something important with you, Miss Orellana. Can we do it over lunch?" kaswal na wika nito.

Labis siyang nagtataka sa ikinilos nito dahil kahit ngayon pa lang siya nagkita, kung makatingin ito ay para bang may kasalanan siya rito. Gayunpaman ay pumayag siya sa hiling nito.

"Thanks for accepting my unexpected invitation, Miss Orellana. I'm Bettina Godinez, by the way," pormal na pagpapakilala ng babae sa sarili nang makaupo sila. Pumunta sila sa isang mamahaling restaurant sa Makati. They both had a menu book in their hands.

"Pleased to meet you, Miss Godinez. Pwede ko bang malaman kung ano ang pag-uusapan natin? Would you like to get the service of Vera Trends and Concepts?" she curiously asked.

"Mamaya na natin pag-usapan, Miss Orellana. Kumain muna tayo," anito habang iniabot ang menu book sa waiter na naghihintay.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang kanilang mga order. Masasarap ang mga pagkaing nakahain at Ganado siyang sumubo. Tahimik lang silang kumakain ngunit may mga pagkakataon din na nagtatanong ito ng mga bagay tungkol sa kanya. Sinasagot niya naman ito subalit patuloy niya pa ring iniisip kung ano talaga ang pakay nito.

"So, since tapos na tayong kumain, pwede na siguro tayong mag-usap," wika nito.

"Sige," ang tanging sagot niya sabay tango pagkatapos sumimsim ng juice.

"Didiretsahin na kita, Miss Orellana. Ako ang fiancée ni Bailey. You know him, right? Nakita kitang sumakay sa kotse niya two weeks ago at nalaman kong girlfriend ka niya."

Muntik na siyang masamid pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Bettina. Kunot-noong tiningnan niya ito. Hindi kaagad siya naniwala rito. May tiwala siya sa nobyo at alam niyang mahal siya nito. Baka ibang Bailey ang sinasabi ng babae at napagkamalan lang siya.

Bettina didn't say anything. Instead, she opened her bag and took out a magazine from there. Binukat nito ang society page ng The Blast magazine at halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang picture nito at ni Bailey. Nakasulat sa article ang announcement tungkol sa kasal ng dalawa at ang petsa niyon tatlong buwan na lang mula ngayon.

It really sounded like a bombshell to her that she didn't manage to utter any word right away. Tila bigla siyang pinangapusan ng hininga at parang sinuntok nang malakas ang kanyang dibdib. She tried to swallow the lumps in her throat to calm herself. Her tears were threatening to fall, but she tried so hard to stop them. Ayaw niyang kaawaan siya ng kaharap, o ang mas matindi, pagtawanan siya nito.

"Please, Katniss, hiwalayan mo na siya hangga't maaga pa. Hindi rin naman magiging buo ang kaligayahan ko kung may ibang taong nasasaktan habang masaya ako." May bahid ng pagsusumamo ang tinig nito at maamo na rin ang bukas ng mukha. Hinawakan nito ang kanyang kamay saka marahang pinisil.

Iginigiit ng kanyang puso na huwag maniwala sa mga sinabi ni Bettina ngunit tutol naman ang kanyang isip dahil sa ebidensiyang nakita niya. Nawalan na rin siya ng kakayahang magsalita. Tiningnan niya ito ng diretso sa mata pagkuwa'y bumaba ang kanyang paningin sa platong wala nang lamang pagkain. Kung kanina ay sarap na sarap siya sa kinain, ngayon naman ay tila biglang pumait ang kanyang panlasa.

"I'm so sorry, Kat. It wasn't my intention to hurt you. I just felt the need to tell it to you before it's too late."

Ang luhang kanina niya pa pinipigilan ay tutulo na talaga kahit ilang ulit niyang ipikit ang kanyang mata. "O-okay..."

Nagsimula na siyang humagulhol. Pakiramdam niya ay ilang ulit na sinasaksak ng punyal ang kanyang puso hanggang sa madurog ito. Mabilis niyang pinahid ang mga luha. She pretended to throw a glance at her wristwatch.

"E-excuse me. I-I have to go."

She didn't wait for Bettina's response. Mabilis niyang dinampot ang kanyang shoulder bag at patakbong lumabas ng restaurant. Bahala na ang babae sa gusto nitong isipin. Mabilis siyang sumakay ng taxi at doon niya pinakawalan ang kanyang mga luha. Halu-halo ang kanyang nararamdaman nang mga oras na 'yon – simpatya para sa kapwa niya babae na niloko at poot at galit para sa lalaking inalayan niya ng lahat ngunit niloko lang siya!


Now We're Together Where stories live. Discover now