Chapter Seventeen

12 1 0
                                    

Chapter Seventeen

"Hindi lang pala bitch si Ange, slut pa. Akala mo galit na galit kay Justin dati, iyon pala gusto rin ng bruha. Pa-hard to get pa, may itinatago rin palang kalandian." Narinig kong sabi ni Jamie na halatang pinaparinggan ako.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko at nawala rin ang mga ngiti sa labi ko. Kahit matagal na panahon na kaming hindi magkaibigan ni Jamie, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa mga masasakit na salitang binibitiwan niya. Naging magkaibigan din naman kami dati kahit papaano. Hindi ko lang talaga mawari kung anong nangyari sa pagkakaibigan naming iyon.

Agad ko nang kinuha yung mga gamit ko kay Justin dahil na-conscious ako sa mga sinabi nila Jamie. Ayaw ko nang ma-issue pero si Justin, hindi pa nakikisama, ayaw niyang ibigay ang mga ito. Tinulungan niya kasi kami nila Adrian na kunin yung mga gamit namin.

Sinamahan ako ni Justin hanggang sa upuan ko, kung saan nakapuwesto sila Jamie at ang mga kabarkada nito, para ilagay ang mga gamit ko. Ayaw ko mang lumapit sa kanila pero kung pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana, pinagtabi pa talaga kami ni Jamie. Tuwing klase tuloy lagi akong natatakot dahil pakiramdam ko inililibing na ako nang buhay ni Jamie sa pamamagitan ng mga tingin at kilos niya.

"Justin, salamat," sabi ko pagkalapag niya ng mga gamit ko sa upuan ko.

Pagkatapos ay naglakad na ako palayo kila Jamie at papunta kila Adrian. Makikipagkuwentuhan na lang ako sa kanila dahil baka masaktan ko si Jamie nang wala sa oras kapag nanatili pa ako roon.

Pero isa ring makulit itong si Justin e. Hinawakan niya yung braso ko at hinila niya yung pinakamalapit na upuan. Tiningnan ko siya pero mukhang desidido siyang paupuin ako at panatilihin doon.

"Bakit ba?" naiirita kong tanong sa kanya.

Kahit kasi manliligaw ko na siya, hindi pa rin nagbabago pakikitungo ko sa kanya. Ano siya, sinusuwerte? Pinag-interlock niya yung mga daliri namin agad ko naman inalis. Pero kilala na rin ako ni Justin at alam niya mapapawala yung pagsusungit ko sa kanya at patamemehin.

Hindi pa rin niya sinasagot yung tanong ko. Bagkus, nagpa-cute lang siya sa akin. Noong una hindi ko pinapansin pero napabigay niya rin ako at napaupo.

"Better," sabi niya habang nakangiti.

"Bakit nga?" tanong ko.

"You know what, you're not just a bitch. You're a bitch goddess."

Tiningnan ko siya ng masama. Anong ipinaparating niya? Naimpluwensiyahan na rin ba siya nila Jamie? Napansin ko rin sa likod niya si Jamie na mukhang masaya.

"Nang iinsulto ka ba? Kasi kung oo, wala akong panahon at masama ang timpla ko."

Naiinis akong tumayo pero pinaupo niya ako ulit. Bigla siyang ngumiti na lalong ikinainis ko. Hindi kaya matagal nang kasabwat nila Jamie yung lalaking ito? At ginagamit lang nila para paasahin ako?

"Bitch Goddess is an expression that means success so you're a Bitch Goddess that I'm very willing to achieve." Naramdaman ko na naman yung slow motion. Yung tipong bawat pagbukas at sara ng bibig ni Justin habang binabanggit ang mga katagang iyan. "And I'm also ready to do what it takes just to be your perfect match, perfect canine."

Nasisiraan na ba ng bait itong si Justin? Hindi ko alam pero natatawa ako at kinikilig. Kaso mas nangibabaw yung pagtawa ko. Napansin kong bigla siyang sumimangot.

"Hindi ko akalain na magiging ganoon ka ka-cheesy," naiiyak na tumatawa kong sabi.

Natigil lang ako sa pagtawa nang pisilin niya yung pisngi ko. Babawian ko sana siya kaso bigla nang pumasok yung teacher namin. Pasalamat siya at pumasok si Ma'am Arieta. Nakangiti pa rin siya na parang aso kaya inirapan ko siya at umupo na. Mukhang sinersyoso niya pagiging canine niya.

#11Where stories live. Discover now