Chapter Eight

68 2 0
                                    

Chapter Eight

Halos isang linggo na ang lumipas mula nang bumalik ako rito sa Bulacan pero kahit nandito na ako, pakiramdam ko yung kaluluwa ko nandoon pa rin sa Valenzuela dahil sa kakaisip kay #11.

Hindi ko nga alam kung sign ito na nami-miss ko siya pero kailangan ko na siyang kalimutan. Kailangan ko nang kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya kasi nagparaya na nga ako kay Ate Drew.

"Sabog ka Ange?" Tanong ng kaklase kong si Adrian.

Unang araw kasi ng klase namin ngayon at kasalukuyan kaming nagkakamustahan at kuwentuhan ng mga kaibigan ko. Napansin niya siguro yung katahimikan ko o yung pagiging stress ko kaya niya naitanong iyon.

"Ganoon talaga kapag in love," sabat ni Helena.

"Kapag mukhang sabog in love agad? Hindi ba puwedeng nag-iisip ng paraan kung paano makalimot."

Pagkasabi ko niyon ay nagtawanan naman sila. Pasalamat sila first day namin ngayon at tamad na tamad pa ako kaya hindi ko sila mabanatan.

"Nako Ange, Hugot ka na naman. Iba talaga kapag may pinagdadaanan e."

"Ganoon talaga. Palibhasa kayo masaya kayo sa mga love life niyo."

"Hindi kaya!" Sabay-sabay nilang sabi.

In denial pa itong mga kaibigan kong ito. Kung alam ko lang, ako na lang ang walang love life sa kanila. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero masaya naman ako kasi wala akong distraction sa pag-aaral.

Kaso siyempre hindi ko rin naman naiiwasang hindi maingit. Inaamin ko, nakaka-inggit kaya. Hindi ko lang ipinapahalata baka kasi kung anong gawing kalokohan ng mga ito at baka asarin pa nila ako.

"Asus. Maniwala ako sa inyo."

Pumunta na kami sa classroom namin at pagkarating ko roon ay hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko ngayon.

"A...anong ginagawa mo rito?!" Sigaw ko sa kanya habang nakaturo.

"Kilala mo siya Ange?" Mahinang tanong ni Adrian sa akin.

Ngumiti siya ng nakakaloko. Paanong nakapasok sa ekwelahang ito ang lalaking iyan? Naku po, akala ko magagawa ko nang ituring na parang isang panaginip yung mga nangyari noong bakasyon pero paano ko pa magagawa iyon?

"You look so cute when you're wearing a skirt," komento niya habang nakangiti ng nakakaloko. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa pinaka-dulong side ng classroom kung saan malayo sa kanya at umupo roon. Sinundan naman ako nina Adrian, Helena at Rizza.

Pakiramdam ko kailangan kong magdala ng gamot na pampababa ng dugo araw-araw dahil kapag hindi ko ginawa iyon ay baka maaga akong mamatay ng dahil sa High Blood.

"Kilala mo yung lalaking yun Ange?" Tanong ulit ni Adrian.

"Hindi ko siya kilala."

"Papaanong hindi mo siya kilala pero kung mag-usap kayo kanina?" Tanong naman ni Rizza

"E sa hindi ko siya kinikilala e."

Tiningnan ko siya at nakatingin siya sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin. Papaano niya ba nalaman na dito ako nag-aaral? Coincidence ba ito? O karma? Ang sama naman ng Tadhana.

Hindi ko naman sinasadya yung ko panununtok sa kanya noon e pero bakit ang sakit naman ng karma? Doble-doble kung bumanat.

"Ano yan Ange, LQ kayo?" Sabi naman ni Helena.

"Sira ka talaga! Kung makagawa ka ng issue daig mo pa yung mga paparazzi."

Ilang sandali pa ang lumipas at pumasok na yung adviser namin. Katulad ng nakasanayan, pagkatapos niyang magpakilala ay kami naman ang magpapakilala.

#11Where stories live. Discover now