Chapter Four

70 2 3
                                    

Chapter Four

"Nasaan ako?" Tanong ko habang umuupo. Inaalalayan naman ako ni #11.

"Nandito ka sa clinic." Sabi niya.

Inilibot ko yung paningin ko sa loob ng buong kwarto. Siya lang ang kasama ko. Nasaan na kaya si Madjot? At ganito ba talaga yung clinic dito? Puro puting dingding lang ang nakikita mo? Parang sa ospital?

"Bakit ako nandito?"

"Natamaan ka ng bola sa mukha. Malakas pa naman yung pagkaka-spike doon." Naiinis niyang sabi.

Naalala ko na. Nag-spike bigla yung kabilang team na hindi mo malaman kung nag-serve ba sila o hindi kasi hindi naman pumipito yung referee para sa service. Halatang pinupuntirya kami.

"Nasaan si Madjot?"

"Umuwi muna sa inyo." Biglang nanlaki yung mata ko.

"Ano?! Bakit siya umuwi?"

Bigla akong kinabahan kasi baka sabihin niya kina Tito at Tita yung nangyari sa akin? Nakakahiya sa kanila. Wala naman kasi ito e. Nahilo lang talaga ako kanina at nanghihina at hindi naman injured yung mukha ko pero aaminin ko, sumasakit siya ng kaunti.

"Kumalma ka nga lang. Huwag kang mag-alala. Wala akong gagawing masama sa iyo." Biglang kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mo?"

"Baka kasi kako kinakabahan ka na baka may gawin akong masama sa iyo."

Oo nga pala, nakalimutan kong kaming dalawa lang ang nandito at may kasama akong estranghero na hindi ko ganoon kakilala. Mas nauna ko pang isipin yung sasabihin nila Tito at Tita kaysa sa sitwasyon ko ngayon. Marahil siguro alam kong hindi naman niya gagawin iyon.

"Alam ko namang hindi mo ako pag-iinterisan kaya hindi ko iniisip iyon."

Tama naman e. Hindi naman kasi ako yung tulad ng ibang babae jan na chix at pwedeng pagnasahan. Kumbaga ako yung reject at imbes na chicks, premature chick lang ako o sa tagalog, bulok na zygote.

"Sure ka ba? Paano mo naman nalaman?" May balak pa yatang makipag-diskusyon ito? Ano siya? Madjot the second? Boy version?

"Kasi hindi ako yung tipo ng tao na dapat pag-interesan dahil hindi naman ako interesanteng tao." Bigla na lang siyang ngumiti. Medyo creepy na siya at kinakabahan na ako.

"Alam mo bang kanina pa ako nagpipigil? Lalaki rin ako kaya nararamdaman ko rin yung ibang nararamdaman ng lalaki kapag may kasama siyang babae lalo pa't tulog at walang kalaban-laban."

Ano bang gusto niyang iparating sa sinasabi niya? Medyo natakot ako pero ikinalma ko yung sarili ko kasi asa pa ako. Mahirap kayang umasa. Nakakamatay.

"Kasi nga hindi ako chix kaya nagagawa mong magpigil."

"Hindi mo makuha ang punto ko. Hindi iyon yung dahilan." Napansin kong seryoso siya. Okay, natatakot na talaga ako. "Ang dahilan ko ay dahil sa nirerespeto kita kasi importante ka sa akin."

Teka nga? Paki-ulit? Hindi ko narinig. Bigla yata akong nabingi doon sa mga sinasabi niya. Importante ba talaga yung sinasabi niya? O nagkamali lang ako ng rinig dahil sa mabilis na tibok ng puso ko at pag-iilusyon?

Tatanungin ko sana siya pero biglang bumukas yung pinto at pumasok sina Madjot at Ate Drew. Nakakahiya, galing pa yata sa school si Ate Drew at imbes na dumiretso sa bahay para magpahinga e pinuntahan niya pa ako dito. Lumapit sila sa akin.

"Kamusta ka na Ange? Okay ka lang ba? May masakit ba?" Umiling lang ako at halata na nakahinga na siya ng maluwag.

"Sila Tita at Tito po? Alam na po ba nila yung nangyari sa akin?" Umiling silang magkapatid at nakahinga rin ako ng maluwag. "Ate Drew, Madjot, pwedeng favor?" Tumango naman silang dalawa. "Please huwag niyo nang sabihin kina tita yung nangyari. Okay lang po ako at mas grabe pa po yung nangyayari kapag training namin. Promise." Itinaas ko pa yung kanang kamay ko. Napabuntong-hininga na lang sila sa sinabi ko.

#11Where stories live. Discover now