Chapter Three

64 3 2
                                    

Chapter Three

Habang naglalaro sina Kuya Leo at #11 ay lumapit ako kay Madjot since may tiga-score naman siya at wala pa namang nakaka-score. Akala ko madalian lang ito pero mali pala ako.

Halatang hindi lang volleyball ang nilalaro ni #11 kasi base sa paglalaro niya ngayon, parang professional na siya at halatang umiinit ang laban nilang dalawa ni Kuya Leo.

Niyaya kong umupo si Madjot sa isang bench sa gilid na medyo sapat lang para makita niya yung scorer niya at sapat lang din iyon para walang makarinig sa amin.

"Anong alam mo?" Tanong ko agad sa kanya dahil ayaw ko nang magpaliguy-ligoy pa dahil kanina pa ako kating-kati alamin lahat ng kailangan kong malaman at makakuha ng sagot sa lahat ng tanong ko na kailangan na kailangan na ng sagot.

"Marami. Pero kung iku-kwento ko sa iyo, hindi sapat ang limang minuto."

Halatang ayaw niyang ikuwento sa akin iyon dahil sa may dahilan siya. Pero bakit? At bakit hindi niya sinabi sa akin noong una pa lang? Para sana iniwasan ko na si #11.

"Bakit hindi mo ikinuwento sa akin noong unang nag-krus landas namin ni #11 o kagabi o kaninang umaga? E 'di sana hindi na humantong sa ganito."

"Simple lang, dahil alam kong may gagawin kang hindi maganda."

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o maiinis e. Ano naman ang mali kung gagawin ko iyon? Sanay naman na ako, na ako ang laging nag-aadjust e.

"Madjot naman, tayo magkakampi dito pero bakit ka naglilihim sa akin?"

"Tayo nga ang magkakampi at ayaw kong ikaw na naman ang mag-sacrifice para lang sa kay Kuya." Hinilot ko yung sentido ko dahil sumasakit yung ulo ko.

Minsan lang kami magka-initan ng ganito ni Madjot pero grabe naman ang epekto kaya iniiwasan kong mangyari ito. Hindi na lang ulit ako nagsalita dahil baka kung saan humantong ang diskusyon na ito.

Nabalot kami ng katahimikan ni Madjot kaya pinanood na lang namin sina #11 at Kuya Leo. Masyado yata mahaba ang tulog ko kanina at masyadong maraming impormasyon ang pumapasok sa utak ko kaya siguro ang sakit ng ulo ko.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Tanong niya gamit ang mahinahon niyang boses. Tumango ako ng marahan. "Nakita ni Kuya Leo na magkasama yung girlfriend niya at si #11 kaya ang laki ng galit niya sa kanya."

"Ano?! May relasyon sila? Niloloko nila si Kuya Leo?" Umiling si Madjot.

"Hindi. Hindi totoo iyon. Sadyang nagpapakatanga lang si Kuya Leo hanggang ngayon sa higad na iyon at nagbubulag-bulagan. Naniniwala sa malandi niyang girlfriend na si #11 ang unang lumandi sa kanya at hindi siya na hindi naman kapani-paniwala."

Aba, matinde pala yung babaeng iyon kung sino man siya. Hanggang ngayon niloloko niya si Kuya Leo pero si Kuya Leo din kasi, bakit siya naniniwala doon? Ganoong ba niya kamahal yung babaeng iyon? At saka bakit niya isinisisi kay #11 yung kasalanan nung girlfriend niya? Hindi ba dapat sa Girlfriend niya?

Pero paano naman kaya nakakasiguro si Madjot na yung babae nga yung may kasalanan at hindi si #11? Kasi oo alam kong malabong si #11 ang

"Paano mo naman nasiguro na hindi nga si #11 ang may kasalanan kung 'di yung girlfriend ni Kuya Leo?" Ngumiti lang siya.

"Simple lang, nandoon ako mismo nang marinig ko yung pag-amin ni Cheska sa mga kaibigan niya na ginagamit niya lang si Kuya at ang totoong gusto niya talaga ay walang iba kung 'di si #11"

Okay. That proves na wala talagang kasalanan si #11 kaso paano naman si Kuya Leo? Hindi ba alam nina Tita at Tito yung tungkol doon? E si Ate Drew kaya? Alam niya?

#11Where stories live. Discover now