Passion 15

92.8K 2K 16
                                    

2-0 .

I'm sad. My team is down by 2. 😥

~~



Naunang bumaba si Amanda sa kotse. Ni hindi na niya hinintay si Jacob dahil tinablan siya ng hiya ng nasa biyahe palang sila. Naalala niya naman kasi ang nangyari sa bar kagabi. Ang paghahalikan..oh mali, the making out of Jacob with a certain model whom she forgot the name. She can feel a pang of hurt inside her chest. She walked faster knowing that Jacob is following her.

"Amanda.." Mahinang tawag nito sa kanya ngunit nanatiling bingi siya dito. Pinagpatuloy lang niya ang paglalakad papuntang elevator. Ni hindi na niya nagawang batiin pabalik ang mga katrabaho niya nang makarating siya sa cubicle niya. Bahala ito sa buhay nito. Di porke't kinilig siya dito kagabi at kanina ay mapapatawad na niya ito sa mga pinaggagawa nito. Manigas ito dahil hindi niya ito kakausapin.

"You okay, girl?" Untag agad ni Krizzia pagkaupo niya palang.

Napaangat siya ng tingin dito.

"Oo naman. Bakit?"

"You look not okay to me.. Oucchh. To us pala." Anito bago tiningnan ng masakit si Elle na kumurot dito. "Bakit ka nangungurot?"

"It's too early to be that noisy and nosy,okay?" Maldita namang sagot ng isa. "So,what's with the expression,b!tch?" Baling na nito sa kanya.

"Nosy ka rin nga eh!" Sabat naman ng isa na naiinis na rin.

She heaved a deep sigh.

"Wag na nga kayong mag-away. Ang aga-aga eh." Napahilot siya sa sentido niya dahil sumasakit na iyon sa palitan ng salita ng dalawa. "Don't argue in front of me, please? My head is killing me. I don't want any noise for now."


Napahinto naman ang dalawa sa pagbabangayan dahil sa sinabi niya.

"Okay. But we'll talk later." Anang Elle bago naunang tumalikod at sumunod naman si Krizzia pagkatapos magba bye sa kanya.

Nakapangalumbaba siya nang tumunog ang cellphone niya. It was a text message from him.

We'll talk later.

Just a short text but it made her shiver. She could feel the intensity of his message. Like he's angry or something else. She felt like a psychic for feeling like this. But who cares if he was angry? He's such a jerk and he must know that not all the times she'll bow before him though she's in love with him.

Pagpatak ng alas-singko ay tumayo siya agad at dinampot ang bag niya bago dinaanan ang mga kaibigan niya.


"Let's go,girls."

Napatanga naman ang mga ito sa pagsulpot niya.

"Why in a hurry ,Amanda?" Kunot-noong baling sa kanya ni Elle na inaayos ang gamit nito.

"Oo nga girl. May problema ba?" Untag naman ni Krizzia na nasa tabi na niya.

"Nothing...Gutom na ako eh. Let's go na." Umiwas nalang siya ng tingin sa mga ito dahil ayaw niyang mabasa ng mga ito sa mata niya na nagsisinungaling siya.


Napailing na lang ang mga ito bago sumunod sa kanya. Palabas na sila ng kompanya nang tumunog ang cellphone niya.


Jacob calling....



Pinabayaan niya lang iyon at ibinalik nalang sa bag niya. She doesn't want to talk to him. Hindi naman sa nag iinarte siya. Ayaw niya lang talagang kausapin ito. Baka parang tanga na lang siyang iiyak sa harapan nito kung mag-uusap sila ngayon.


"Hindi mo ba iyan sasagutin? Ang ingay, Amanda." Baling sa kanya ni Elle bago nagsimulang magdrive. Nakaupo siya sa frontseat habang si Krizzia ay nasa likod naupo.

"Pabayaan mo nalang. Pretend that you didn't heard it rung."

"I'm not Krizzia who can tolerate noise. So answer that or better turn it off 'coz I'm driving." Masungit na sabi nito pabalik.

"Nananahimik ako dito ha? Wag mo akong idamay diyan." Sabat naman ng isa sa likod.

Natawa nalang siya.

"Suplada nito." Aniya bago pinatay ang cellphone niyang ring ng ring. Sarap itapon eh. Kaya lang mahal ang cellphone ngayon eh. Sayang ang pera kung saka sakali. Nagtitipid pa naman siya ngayon.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa Royale Garden. It's a restaurant..well, not just a simple restaurant. The name speaks for itself. Marami rami na rin ang tao nang pumasok sila.


"Bakit dito? Mahal dito aa.." Ani Krizzia na bumasag sa kanilang katahimikan.

"Anong libre? Wala kaya akong pera!" Malakas na sagot nito na nakapagpalingon sa ibang diners.

Namula ang mukha niya nang halos lumingon lahat sa kanila.

"Nakakahiya ka talagang babae ka." Anas ni Elle na namumula na rin ngunit nananatiling composed.

Napayuko nalang siya. Mahirap nang may makakilala sa kanya. The restaurant is for the rich and famous so there's a big possibility that someone might know her. Kaya nga hindi siya gaanong kumakain sa mga mahal at sikat na kainan.

"Sorry." Nakayuko namang saad ni Krizzia.

Pinili nalang nila ang nasa gilid. Mas maganda doon eh at kita pa ang entrance. Naupo na sila at umorder na.

"Ang mahal talaga ng pagkain dito noh?" Di na mapigilan ni Krizzia na magsalita.
"Mabubutas ata ang bulsa ko nito eh."

"Wala ka namang bulsa so why bother?"

"May pagkapilosopa ka rin pala Elle sungit noh?" Ganti naman ng isa.

"Whatever."

"Stop with that you two! Keep your mouth shut if you can't lower your voice." Saway niya sa dalawa.

"Parang nanay naman to. Parang di ka pa sanay sa amin Amanda..Hehe." Anang Krizzia.

She just rolled her eyes and focused on the foods to be served. Yummy talaga ang foods dito kahit mahal. Worth it na worth it kahit mahal. Na miss niyang kumain dito dahil matagal tagal na mula nang magawi siya rito.

"Sarap pala ng foods dito girls.." Takam na takam na kumakain si Krizzia at nag thumbs up pa sa kanila." Mag iipon ako para makabalik tayo dito."

"As if makapag iipon ka. Wala sa bokabularyo mu yun eh." Asar pa rin ni Elle dito.

Bahala kayong dalawa basta ako sarap na sarap sa pagkain dito. Parang hindi ako nakakain ng isang linggo dahil sa gana ko sa pagkain. Iba talaga dito sa Royale Garden. Super satisfied ako sa accomodation, ambiance and food.

Mga alas-siyete na nang matapos silang kumain. Palabas na sila ng resto nang may tumawag sa pangalan niya. She stiffened. She knew that voice.

"Clarey.."

Napahinto siya at napalingon dito. Nanlalaki ang matang tinitigan niya ito. He's wearing a suit and he looked dashing as ever. His hair was light brown and tousled. He missed him so much.


"Jeremy.."

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon