Passion 25

87.1K 1.8K 77
                                    


Italianni

Gandang-ganda at ngiting- ngiti siya sa kaniyang sarili pagkapasok palang nila sa isang Italian resto. Sino ba naman ang hindi? She's with the most handsome guy in the whole wide world. Huwag lang malalaman ng pinsan niya dahil siguradong aalma ito. Kapal muks din ang isang iyon eh! Kaya may pinagmanahan talaga siya. Hehe. May lahi ata silang mahahangin at nakikipagsabayan pa sila sa bagyo.

"Why are you smiling like that, sweetheart?" Kunot-noo na binalingan siya ng tingin ng super hot at gwapo niyang boyfriend.

Napangiti lang siya at lalong lumingkis sa braso nito.

"Why? Masama bang ngumiti?" Aniya at naupo na sa bakanteng upuan malapit sa bintana. What a view! Favorite spot niya dito eh! Kapag kumakain sila sa labas ng mama niya ay doon talaga niya pinipiling pumuwesto. Ayaw niya kasi ng naiistorbo.

"Hindi masama but you're smiling like a lunatic sweetheart." He smirked before he took a seat in front of her.

"Lunatic?" Dagling tumaas ang kilay niya na ikinatawa nito. "TumAwa kapa! Sus.. Ang sarap pakinggan. Promise!" Sarkastikong anas niya pabalik.

"Pikon." Anito at nakangiting ibinaling nalang ang tingin sa waiter na kanina pa nakatayo sa gilid nila at umorder. "What do you want,sweetheart?" Saad nito nang balingan siya ng pansin.

Napairap siya. Kainis! Ang sarap tuloy nitong halikan. Nagiging pervert na rin ata siya.

"I'll take grilled pork belly, buttered shrimp,plain rice and a glass of pineapple juice,please?" Pa cute na sabi niya habang nakangiti sa gwapong waiter. Halos lahat naman kasi doon ay gwapo at magaganda. It must be a requirement.

"Is that all,ma'am?" anang waiter sa magalang na boses.

Akmang sasagot pa siya nang tumikhim si Jacob at madilim ang mukha na tinitigan ang waiter na napalunok at napaatras ng konti mula sa kinatatayuan nito.

Imbes na kabahan dahil sa ekspresyon ng mukha nito ay napangiti pa siya. Scary Jacob is truly hot. Kahit ano atang ekspresyon nito ay hot at gwapo pa rin ito. Ang unfair talaga ng world!

Napapout nalang siya at ngiting-ngiting tumitig dito nang makaalis na ang pobreng waiter.

"You're smiling like a lunatic again, Amanda. You don't wanna be kissed in front of these people, right?" He countered while smirking. Napaayos siya ng upo at namumulang nag-iwas ng tingin mula dito. Sh!t! Uminit yata ang paligid. D@mn Jacob!

"What's the matter,sweetheart? Tumahimik ka ata?" He teased.

Napairap siya dito.

"Shut up! Nakakainis ka talaga! Ang landi-landi mo,Jacob! I hate you!"

Lalong natawa lamang ito sa inakto niya.

"Don't be a child, sweetheart. You hate me? That would be impossible,Amanda." Siguradong-sigurado na saad nito. "I know how addicted you are to me and me to you so no need to fuss. All is fair sweetheart so just enjoy the night, okay?"

Addicted your face?! Eh mahal kita eh! Addicted lang sa iyo? Ang unfair naman niyon! Reklamo niya sa isip niya.

"Fine. Ikaw na ang boss!" At nagsimula na siyang kumain pagkatapos mailapag ng waiter ang inorder nila. Magpapakabusog nalang siya kesa mainis dito. First date pa naman nila ngayon. Sayang naman kung mag-iinarte pa siya.

"Careful,sweetheart. If you don't know you're already pigging out." Puna nito habang kumakain sila. Her nose flared.Nagpanting ang kanyang tenga dahil sa narinig bigla rito.

"I'm pigging out you mean? So mataba na ba ako?! Ganoon ba?" Malakas ang boses na sabi niya na ikinalingon ng ibang diners.

"Tone down your voice, will you?" Naiirita nang asik nito. " What's with the attitude?" He hissed with venom laced on his voice.

"Sinabi mo kasing mataba ako eh!" Balik- saad niya na parang maiiyak. Kainis! Nagiging iyakin na ata siya. O baka nag-iinarte lang talaga siya?

"I did not! I just said you are pigging out! What's wrong with that? You are being unreasonable,Amanda!" Galit nang sabi nito bago nagpunas ng bibig. His dark stare went directly to her.

"D@mn!" Padabog na tumayo na ito at naglapag ng pera sa mesa.

Napatayo na rin siya at natatarantang nilapitan ito.

"Where are you going,sweetheart? Hindi pa tayo tapos kumain eh!" Aniya at pilit na pinapaupo ito ngunit tinabig lang nito ang kamay niya. Napasinghap siya at hindi makapaniwala sa ginawa nito.

"I lost my appetite already. Kumain kang mag-isa mo." Anito at madilim ang mukhang nauna ng maglakad palabas ng restaurant.

Napakurap siya at pilit  na pinigilan ang pagtulo ng luha sa pisngi niya dahil sa nangyari.

She couldn't believed it! Iniwan siya ng boyfriend niya! Sa first date pa nila! How unlucky can she get? Wala na ba siyang karapatang mag- inarte at iniwan talaga siya nitong mag-isa? This is so humiliating! This is a first. She wanted to laugh at herself. Naging tanga na naman siya.

Amanda Claire Claire Lopez was being left out in a date! Ang gandang pang headline diba?

Ang sakit -sakit pala talagang maiwan noh? Nakakamatay eh!

Pilit pinapatatag ang sarili na kinuha niya ang pouch niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. She felt numb all of a sudden. Pilit na binalewala niya ang pagtingin at pagbubulungan ng ibang diners habang naglalakad siya palabas ng Italianni. She smiled bitterly at herself. Ang chismosa talaga ng mga tao noh? Dinig na dinig pa niya ang pinag-uusapan ng mga ito na ikinamatay ng puso niya.

"Ang ingay kase eh! Kaya iniwan ng boyfriend!"

"Boyfriend niya iyon? Diba si Jacob Saavedra yun! Si Lizzy Valmonte ang girlfriend nun diba?"

"Pampalipas oras siguro. Balita ko nasa ibang bansa si Lizzy eh!"

"Kawawa naman! Feelingera kasi eh! Nangarap ng isang Jacob Saavedra."

Malapit na siya sa labasan ng resto nang muntikan na siyang matumba kung hindi lamang sa pag-alalay ng isang waiter sa kanya.

This is insane. Wala na bang mas mamalas sa gabing iyon? Napailing na lang siya.

"Thank you!" Aniya sa waiter.

Ngumiti lang ito at tumingin sa kanya ng may awa sa mga mata.

Pati waiter kinakaawaan na siya. Lahat nalang ba maaawa sa kanya?

Saktong paglabas niya ng Italianni nang bumuhos ang kanina pa niya pinipigilang luha. Napahagulgol siya habang napaupo sa malamig na semento. She doesn't care anymore kung mapahiya man siya. Napahiya narin naman siya kanina pa.

Ang sakit- sakit na talaga! Ayaw na niya. Suko na siya.

"Damn! What happened to you,Clarey? Get up!" Anang galit na boses at pinangko siya.

"Ayoko na,Je. Take me home. Please." Aniya bago nawalan ng malay sa mga bisig nito.

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Where stories live. Discover now