sin.11

5.7K 266 150
                                    

A: "Maganda yung kantang London Bridge pero ng ikaw na ang kumanta. Susme! nanayo ang balahibo ko."

Keizer: "That is the usual reaction"

A: "I thought you love her. Bakit mo sya sinasaktan?"

Keizer: *looking outside* "Because she's mine. Freeing her defies the basic logic of my life"

A: "...Ahm pwede mo bang i-translate sa human language?" *waving my hand* "Yo, low IQ here."


✂❤✂



sin.11



-Keizer-



             I took a long deep breath, inhaling the salty fresh smell of the sea. Tahimik at malumanay ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Gayundin ang matingkad at asul na asul na kulay ng mga ulap.



             Hindi ko napigilan ang sarili na mapahikab habang nakahiga sa yantok na duyan. I almost fell asleep kung hindi lang sa mahinang hagikhik na nanggagaling mula sa aking likuran at ang pagsasaboy nya sa akin ng buhangin sa katawan.



             I did not make a move nor did I open my eyes to look at the culprit.



             Mukhang nainis ito dahil hindi ko sya pinansin. Lumapit sya at malakas na inugoy ang duyan.



            -"Ugh!"



               Naramdaman ko na ang presensya nya na nakatayo sa aking tabi. Idinilat ko ang isang mata para alamin ang ginagawa nya. Muntik na kong mapabulalas ng tawa sa nakita. Cassidy has a weird facial expression on her face, paano ba naman tinatangka nyang baligtarin yung duyan!



               Is she okay? With my 5 foot 7 inches height at 55 kilos na weight hindi ba sya naaawa sa kapiraso nyang braso?



              -"What are you trying to do?"



              Habol nito ang paghinga at nameywang. "Kei, kailangan mo ng mag diet hindi kita mabuhat."



            -"No thanks, I have a healthy body. Hindi ko kailangang mag diet."



             -"Kanina ka pa dito sa duyan. Wala ka bang balak mag explore sa beach?"



            -"Hindi ako makatagal sa taas ng sikat ng araw. I might as well sleep here."



            -"Pero hindi mo dapat sinasayang ang ganitong pagkakataon. Minsan lang tayo makarating sa beach."



             -"This is one of our villa and almost three hours drive lang mula sa bahay. Anytime, pwede tayong pumunta dito."



             Sumimangot ito. "Hmpf, Grumpy Gramps!"



             -"Anong tinawag mo sakin?"



             -"Sabi ko Grumpy Gramps ka! Para kang si Lolo Amadeo lagi lang nakaupo o kaya nakahiga kapag nasa outing." She pokes my knees. "Nirarayuma ka na din ba Kei?"



             -"Should I answer your question?" tumagilid ako ng higa para talikuran sya. Niyaya ko sya dito sa private villa para tulungan syang maka-recover. Pero mukhang wala ang salitang 'Depression' sa dictionary nya dahil naka-recover agad ang bruhilda.



Keizer's SinTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang