sin.13

5.1K 197 118
                                    

A: "Tss, para pusa lang pala, no big deal. Yung pinasak na mata, luma na yan. Tingin mo ba matatakot mo ko ng ganiyan ganiyan lang. Mas madami pa kong nakita na mas grabe pa dyan. I have seen it all Haha!"

Keizer: "Ok. . .  so bakit nilayo mo ang upuan mo sa akin ng dalawang metro?"

A: "Momma's Egg! I have seen it all ...in the movie ok?! First time ko lang maka-meet in person ng isang psycho! Ekk, hindi ka na naawa sa mga Mingming, isusumbong kita sa Paw para madagdagan ang kaso mo."

Keizer: *sighs* "Gawin mo kung anong gusto mo. It's not like I wanted to escape here in the Juvenile Hall."



sin.13



              -"Oi, Cassie breathe!"



              Malakas na hinimas at tinapik ni Sir Paul si Cassie sa likuran. Kailangan pa nyang tulungan ito dahil nahihirapan itong huminga sa sobrang pag iyak at pag suka. Damn, paano kung hindi nya nakita ito dito. What would happen to her?



              Wala kasing boses na lumalabas sa bibig nito meaning there might be something wrong in her airpath. Or maybe it's because she's still in shocked?



              Maya maya lang narinig na nyang umubo ito. Thank God! Agad nya itong binuhat palayo sa lugar na iyon. . . away from that disturbing sight. He can't help but cringed when he remember those separate parts at the other side of the fence.



             Kung sino mang gago ang may gawa nun, very INHUMANE!



              Dinala nya ito sa isang preskong lugar kung saan maraming puno. Ibinaba nya si Cassie sa isang kulay blue na bench. Tuloy pa rin ito sa paghikbi. Dumukot sya ng panyo sa bulsa para iabot dito but she ignored him.



              Sighing, sandali nya itong iniwan at pagbalik nya may bitbit na syang bottled water. Idinikit nya ang gilid ng malamig na bote sa pisngi nito.



              -"...so cold" sisinghot singhot na sabi nito.



              -"Drink this, kailangan mo ng fluids sa katawan." pinihit nya ang takip ng bote para mabuksan iyon saka nya kinuha ang kamay nito at isinalikop doon ang bote ng inumin.



              She took a sip, may tumulo pang likido sa harapan ng uniform nito dahil nanginginig ang dalawa nitong kamay. Ah, she is really traumatized.



              Namumugto ang mga mata ni Cassidy. God knows kung ilang minuto na itong umiiyak doon. Hindi rin nito magawang umalis sa lugar dahil sa sobrang panginginit at takot.



             -"...my – my kittens"



               Matiim nya itong pinagmasdan bago lumuhod sa kaniyang harapan. "They are gone." Akala nya lalong lalakas ang iyak nito ngunit humigpit lang ang pagkakahawak nito sa plastic bottle. "May nakita akong bakas ng hayop sa lugar. We can say na isang ligaw na aso ang gumawa ng karumal dumal na bagay na iyon. Masukal at mataas ang damo sa kabilang bahagi ng fence kaya hindi na nakapagtataka na maraming predators na umaaligid. And once a predator detect their prey alam na natin ang posibleng mangyari."



              Hindi na rin nya isinama sa kwento ang tungkol sa mga nakitang bakas ng sapatos sa mismong lugar. Ayaw na nyang lalo pang guluhin ang isipan nito.



              -"I killed them." She softly muttered. "A-Ako ang may kagagawan kung bakit –"



             Binigyan ko sya ng mahinang chop sa ulo. This STUPID girl! "Bakit mo kailangang sisihin ang sarili mo?!"



Keizer's SinWhere stories live. Discover now