sin.15

8.8K 277 181
                                    

A: "Just to be clear though. Wala akong balak na i-offend ka or anything pero minsan ba naamin mo na kay Cassie na mahal mo sya?"

Keizer: "What kind of nonsense is that?!"

A: "Sagutin mo na lang kasi. Yes or No lang naman ang sagot eh."

Keizer: "No matter which angle you look from, we are a perfect match. We are attracted to each other. We suit each other. Kung titingnan ito in mathematical view let's say 1+1 automatically ang sagot ay '2' kahit mga bata o isang asong turuan alam ang sagot. Therefore, I don't think you need to be smart to know the answer."

A: "Yo, Sir Einstein! Linear equation nga hindi ko masagot 1+1 pa kaya. Saka ano bang mahirap sa Yes or a No?"




✂❤✂



sin.15



-Keizer-



              -"Run, run run. . . We're late."



               -"Sino ba kasing tinanghali ng gising?!"



              -"don yuk at mi." (Don't look at me) Inisang lunukan ni Cassie ang nginguyang toasted bread na nasa bibig para maayos na makapag salita. "This is your fault Kei. Pinaayos mo pa sa akin ang necktie mo."



             -"And you waste half an hour of our time just to fixed my necktime!" Hinila ko ang collar ng suot nyang uniform to stop her from running to the gate. I twirled her around to face me. "Open mouth"



             -"Ah?" ibinuhos ko ng marahan ang laman ng hawak na chocolate milk carton sa nakanganga nyang bibig.



              -"Wag kang maharot matatapunan ang damit mo." Nag thumbs up lang si Case bilang sagot. After having her fill, sinubuan naman ako ni Cassie ng hawak nyang toasted bread. I swallowed a big bite.



             -"Kasi naman sinabi ko na saiyo na hindi ako marunong mag necktie, pinilit mo pa din ako."



              Pinitik ko sya sa noo. "Then next time pag aralan mo kung paano." Sinipa ko ang stand ng bike at inilagay ang school bag sa basket na nasa harapan. Nag gesture ako kay Cassie na ibigay ang bag nya. She threw her bag in my hand at ipinasok ko iyon sa basket.



              -"Bakit kailangan ko pang pag aralan?"



               -"Nakasalalay doon ang magiging future mo." Birong seryoso ko sa kaniya. "Food in the hole." Turo ko sa bibig ko.



              Isinubo nya sa akin ang natitirang piraso ng toasted bread. "But it's too confusing! Hindi ko alam kung anong buhol ang gagawin."



                 -"Magkakaroon ka ng maraming benefits kapag natuto kang mag neck tie." Inubos ko ang natitirang laman ng chocolate milk sa carton at i-shinoot sa pinakamalapit na trash can.



                -"Benefits? Tulad ng ano?"



                 -"Diyos ko mga batang ire! Anong ginagawa nyo sa pagkain? Kumain kayo ng maayos ng almusal." Sita sa amin ni Nana Sela na nagkataong nagwawalis sa front gate.



               -"Hindi na Nana late na kami sa School." Sumakay na ko sa bicycle at inalalayan si Midget paangkas sa likurang upuan.




Keizer's SinWhere stories live. Discover now