sin.10

5.9K 276 140
  • इन्हें समर्पित: Sisa_me
                                    

A: "You are creepy!"

Keizer: "Mmm, hindi lang ikaw ang nagsabi nyan."

A: "Then . . . natuloy ba ang plano ni Cassie na pagpunta sa Germany?"

Keizer: *smile*

A: "What's up with that smile? Nang iinis ka ba?"

Keizer: "Anong sinasabi mo dyan? This is a handsome face."

A: ಠ . ಠ)

✂❤✂❤✂❤


sin.10


-Keizer-


'Amazing 16-year old artist Angela Cuseb just won the International Art Competition in Germany, her impressive hyper realistic painting of the 'village roots' went viral and featured on popular websites such as Yahoo, Huffington Post, Buzzfeed, ViralNova and Collossal'


                 -"Heh..." The corner of my mouth lifts a little habang binabasa ang 'news' sa aking laptop. Ang pagkapanalo ni Angela Cuseb sa prestihiyosong paligsahan ay may iisa lamang na kahulugan.


                  Cassidy failed.


                   Natalo sya sa kauna unahang pagkakataon.


                   Prenteng isinandal ko ang likod sa sandalan ng swivel chair. Kumakalatok ang daliri ko sa kahoy na mesa. Maya maya lang yumuyugyog na ang mga balikat ko dahil sa lakas ng pagtawa.


                   It was written in the bible; You will be punished if you take pleasure in someone's misfortune'. Pero hindi ko mapipigilan ang sarili na makaramdam ng saya.


                   She will stay! Hindi sya aalis!



                 Natigilan ako sa pagtawa. Hmm, ito siguro ang dahilan kung bakit halos apat na araw ko ng hindi nakikita na lumalabas ng bahay si Cassidy mula ng nangyaring insidente sa Cake Shop.


                   Lumingon ako sa glass door. Tanaw mula doon ang kwarto ni Cassidy. Madilim at sarado ang bintana sa kaniyang silid. Pupusta ako na nagtatantrums na naman sya ngayon.


                   No one can blame her though.  Ito ang unang pagkakataon na na-experience nya ang pait ng pagkatalo  sa isang Kompetisyon. Just try to imagine how much it wounded her pride as an artist.


                 Tumingin ako sa suot na wrist watch; 6:30PM. Madilim na sa labas. Simpleng tumayo ako mula sa kinauupan at tinungo ang closet para magpalit ng damit. Nagpatong din ako ng itim na jacket dahil malamig ang hangin sa labas.


                Pababa na ko ng mahabang hagdan ng tawagin ni Nana Sela.


                 -"Oh, hijo saan ka pupunta? Malapit ng mag hapunan."


                -"Hindi na Nana mag jojogging muna ko sa labas. Palagi ko kasing nakakalimutan sa umaga. Ah, pasasabay mo ba ang mga basura natin, ako ng magtatapon."


Keizer's Sinजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें