Chapter 1

15.3K 234 17
                                    

Chapter 1

"Portia, nandito ako!" Sigaw ni Porche matapos niyang ilapag ang kanyang maleta sa tabi ng sofa at pabagsak siyang naupo dun. Ilang buwan din siyang nadestino bilang dentista sa isang liblib na lugar sa Zambales at ngayon lang siya ulit nakauwi sa Metro. Everything seems foreign to her, mula sa bagong sofa hanggang sa mga paintings at kung ano-anong palamuting naka-adorno sa munting bahay nilang magkapatid.

"Portia?" Napangiti na lang siya ng madaanan ang isang malaking picture ni Portia na nakasabit sa wall sa ibabaw ng flat screen television nila sa sala. Kakambal niya si Portia at walang makakapagsabi kung sino si Porche at si Portia kapag magkasama silang dalawa, pero magkaibang-magkaiba naman ang ugali nila. Habang nag-eenjoy siyang maglinis ng ngipin at siguraduhing tatlong beses sa isang araw kung mag-toothbrush ang mga bata sa Zambales, si Portia naman ay napadpad sa pagmo-modelo. While Portia is more free-spirited, carefree and adventurous, Porche is more.. mature and responsible.

"Hay naku! Saan na naman kaya nagpunta 'yung babaeng 'yun?!" Tanong niya sa sarili matapos ikutin ang hindi kalakihang bahay na ipinamana sa kanila ng Lola nila.

Matapos ilagay ang mga damit niya sa closet ay nagbihis na si Porche ng pantulog. Nagugutom na siya ngunit wala siyang nakitang pagkain sa refrigerator na tanggal din ang saksak kaya minabuti niya na lang na matulog.

"Lagot ka talaga sa'kin, Portia. Naku!" Pagmu-murmor pa niya. Inaasahan pa naman niyang makakasama ang kapatid sa Isang buwan niyang bakasyon sa Metro ngunit 'ni anino ng babae ay hindi nito mahagilap.

Padabog siyang nahiga sa kama habang iniisip kung ano-anong pagkain ang bibilhin niya sa palengke kinabukasan. Porche thought, na hindi na naman kumakain ng maayos si Portia dahil masyado itong conscious sa figure niya.

"Magluluto ako ng kare-kare bukas. At saka adobo, saka-" saka biglang tumunog ang tiyan niya. She groaned at kumain na lang siya ng cracker at uminom ng isang basong tubig para pawiin ang gutom bago siya tuluyang humiga sa kama sa kwarto ni Portia dahil pagod na siya at parang bahay ng pusa ang kwarto niya.

"Bukas. Bukas na ako maglilinis ng bahay. Hay! Pagod na talaga ako." Ilang saglit lang ay nilamon na din siya ng antok.

--

Naalimpungatan si Porche dahil sa mabigat na bagay na nakapatong sa dibdib niya at sa mainit na hiningang tumatama sa batok niya pero hindi niya nagawang imulat ang mga mata niya para tignan ang paligid bagkus ay isiniksik niya pa ang sarili niya sa mainit na bagay na nasa likuran niya. She sighed in contentment as the steel wall behind her tighten it's hold on her and she snuggled closer. She's dreaming. She knew she's dreaming. Cocooned in the warm embrace of whatever is behind her, as she fell into deep sleep.

----

"Aaaahhh!" Muntik nang malaglag si Mackie sa kama matapos siyang itulak palayo ni Portia. He's still mad at her for leaving pero nung nakita niya ang babaeng mahimbing na natutulog sa kama, he can't just help it. Gusto man niyang gisingin ito para humingi ng valid na reason sa bigla nitong pagkawala, hindi niya muna ginawa. He just missed Portia that much. Instead, tinanggal niya na lang ang mga damit niya at nahiga sa tabi ng girlfriend.

"Walanghiya ka. Hayop! Hayop! Manyakis ka! H'wag kang lalapit sa 'kin, tatawag ako ng pulis!"

Iminulat ni Mackie ang mga mata niya para tignan ang girlfriend na nasa kabilang side ng kama. May hawak pa itong walis tambo habang naka cross ang libre nitong kamay sa ibabaw ng dibdib niya.

"Good morning, Babe. Ang ganda naman ng pasalubong mo sa 'kin." Nakangiting sabi niya. Itinukod niya pa yung siko niya para umangat ng konti sa kama, dahilan para lumihis ng bahagya yung kumot at bumulaga sa kanilang dalawa yung espada niya.

Her Best Mistake (Xavier Series) #Wattys2016Where stories live. Discover now