Chapter 8

6.1K 170 1
                                    

Chapter 8

Nagising si Porche sa mainit na hiningang tumatama sa batok niya at sa mabigat na kamay na nakapatong sa bewang niya. Saka niya lang naalala ang mga nangyari kagabe. She fell asleep with Mackie beside her. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Ngayon lang may lalaking umasikaso sa kanya at masarap sa pakiramdam. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa paraan ng pag-angkin ng binata sa mga labi niya na para bang sa kanya 'yon. Na walang ibang lalaki ang may karapatang halikan siya kagaya nang ginawa nito sa kanya.

"Good afternoon, Baby girl. Nakatulog ka ba ng maayos?" He said huskily. Inalis pa nito ang ilang hibla ng buhok ni Porche na tumatabing sa batok niya at inundayan 'yun ng halik.

"Uhumm.." Paano ba namang hindi? Eh, habang pinapatulog siya ni Mackie ay minamasahe pa nito ang anit niya at kinakantahan pa siya. Lalo tuloy siyang nahuhulog sa lalaking hindi naman niya dapat mahalin.

"I need to get up." Tila biglang nanikip ang dibdib ni Porche nang maalala niya yung mga sinabi niya kagabe at ang reyalidad na kahit sabihin niya pang mahal niya ang lalaki ay hinding-hindi ito mapupunta sa kanya dahil kay Portia ito. "Mackie, bitiwan mo 'ko!" Kailangan niyang makalayo sa lalaki. Ayaw niyang makita nito ang tuluyang pag-agos ng mga luha niya.

"Porche, anong nangyari?" Bakas na bakas sa boses nito ang pag-aalala. Malabo. Malabong nag-aalala ito. Hindi totoong concern sa kanya ang lalaki. Baka nga ginagawa lang ito ni Mackie dahil ayaw niyang kapag bumalik si Portia ay magsumbong siya na napaka inconsiderate nitong boyfriend.

"Wala. Okay na 'ko. Pwede ka nang umuwi." Agad siyang tumayo sa kama at lumayo sa binata. Sinabi na niyang mahal niya ang lalaki. Ipinaalam niya na dito ang nararamdaman niya pero wala naman siyang nakuhang sagot mula kay Mackie. Magmumukha lang siyang tanga. Baka pagtawanan pa siya nito at sabihing masyado siyang ambisyosa kung inaakala niyang magugustuhan din siya ng lalaki.

"Porche, kausapin mo nga muna ako!" He sounds frustrated pero hindi na magpapadala si Porche. Masyado na siyang binubulag ng sarili niyang mga luha.

"Umalis ka na, Mackie. Hindi ako charity work. Hindi ko kailangan ng awa mo."

"Awa? Sa tingin mo naaawa lang ako sa 'yo kaya ko 'to ginagawa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mackie. Natigilan si Porche sa tangka niyang pagpasok sa banyo. Buong tatag niyang hinarap ang lalaki at taas-noo niya itong tinignan.

"Bakit, hindi nga ba? O kung hindi man awa ang dahilan, baka ginagawa mo lang 'to dahil natatakot kang sabihin ko kay  Portia na pinapabayaan mo 'ko!"

"Bullshit!" Muntik nang mapatalon si Porche sa sigaw na 'yun ni Mackie. "Ano namang kinalaman ni Portia sa ating dalawa?!"

'Kase siya ang mahal mo, hindi ako!' Halos isigaw ng isip niya.

"Umalis ka na, Mackie." Nagawa niyang itulak ang lalaki palabas nang kwarto. Hindi niya alam kung lumakas siya nang dahil sa galit o nagpapatianod na lamang si Mackie sa kanya. She doesn't want to make a fool of herself kaya habang maaga pa, susubukan na niyang pigilin ang sarili niya. Loving him was the biggest mistake she ever made at ayaw niyang malunod ng husto, ayaw niyang sa huli ay maging punching bag na siya lang ang nasasaktan dahil siya lang ang nagmamahal.

"Porche, mag usap naman muna tayo. H'wag naman ganito-"

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Umalis ka na." Tinanggal niya yung lock ng pintuan pero bago pa man niya 'yun tuluyang mabuksan, hinawakan ni Mackie ang dalawang kamay niya.

"Mackie,  tigilan mo na 'ko.  Tantanan mo na ang pangungulit sa akin para lang magkaroon ka ng dahilan  para hintayin dito si  Portia dahil hindi ka na niya mahal. Okay? Hindi ba mas malinaw pa sa traffic lights na senyales yung biglaan niyang pagkawala na ayaw na niya sa 'yo?"

Her Best Mistake (Xavier Series) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon