Chapter 10

12.1K 290 25
                                    

Chapter 10

Ilang araw pa bago nagdesisyon si Mackie na pumunta sa bahay nila Portia para makipaghiwalay sa kasintahan at umaasa din siyang makikita niya d'on si Porche. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng kambal- baka isumpa lang siya ng dalawang 'yon at ipa-salvage sa gagawin niya but he's willing to take risk. Inihahanda na niya rin ang sarili sa galit ni Porche, ang babaeng mahal niya talaga. It took him a couple of days, para lang patunayan ang nararamdaman niya at para paghandaan ang araw na 'yon.

Wearing his immaculate white coat and tie, kumatok siya sa bahay ng magkapatid. Handa na rin siyang ilagan ang anumang bagay na maaaring humagis sa kinatatayuan niya sa oras na pumasok siya d'on.

May dala din siyang bulaklak. Sa tatlong buwan na relasyon nila ni Portia, never niya itong nabigyan ng bulaklak samantalang si Porche, he'll do everything-kahit araw-araw pa niyang bigyan ang dalaga ng bulaklak, kausapin at mapangiti niya lang ito, gagawin niya. Namimiss na ni Mackie si Porche. Kung bakit ba naman kase siya nagpadala sa takot niya sa dalaga, edi sana matagal nang malinaw ang lahat.

"Babe! What are you doing here?!" Nadismaya siya ng si Porche ang nagbukas ng pintuan. He's expecting Porche and her feisty mouth. Not Portia and her cool and collected self.

"Uhmm.. Ano, f-flowers for you." Alanganin siyang iniabot niya 'yon kay Portia na taas-kilay iyong tinanggap at ipinasok sa loob ng bahay. Palingon-lingon siya, nagbabaka-sakaling makikita si Porche.

"You know, this is the first time you actually gave me flowers." Sabi pa nito habang kumukuha ng vase para paglagyan nung bulaklak. Oo nga. 'Yon ang unang beses na binigyan ni Mackie ng bulaklak ang babae at hindi pa talaga para sa kanya 'yon.

"You never asked."

"Do I really have to?"  Natatawang  tanong nito sa kanya. Portia took a deep breath. Wala naman siyang balak na makipagtalo sa lalaki. Masisira ang make up niya. "I may not be a flowers and chocolate type of girl, but I think I deserve this kind of stuff every once and a while." Natigilan si Mackie sa sinabing 'yon ni Portia. Siguro nga ay hindi humihingi ang kasintahan ng bulaklak but still it was Mackie's obligation to give her flowers.

"Sorry." Nakayukong sabi ni Mackie.

"Oh, don't be. Para mo naman sinabing nagmamaka-awa akong bigyan mo 'ko ng bulaklak."

Nagpaikot-ikot ulit ang mga mata niya para hanapin si Porche at para na din maiwasan niya ang mga mata ni Portia.

"She's not here."

"Huh?"

"Si Porche. Alam ko namang siya ang pinunta mo dito at hindi ako 'di ba? Wala siya dito." Nagu-guilty siyang napatingin kay Portia. Baka may binili sa labas si Porche, o kaya nasa isang medical mission ito kagaya ng madalas nitong gawin. Blessing in disguise na din siguro na wala doon ang babae para makapag-usap sila ni Portia.

"Paano mo naman nasabi na siya-I mean si Porche ang hinahanap ko?" Napalunok si Mackie. Even saying her name makes him shiver.

"Maglolokohan pa ba tayo?" Portia said shrugging. "Hindi naman ako manhid at tanga para hindi maramdamang may nag-iba." Sinubukan ni Mackie na maglakad papalapit sa babae pero itinaas nito ang dalawang kamay niya at iniharang 'yon sa pagitan nilang dalawa. "Sabihin mo nga, Mackie, kailan mo balak sabihin? O may balak ka man lang bang sabihin sa'kin? Sabagay, kasalanan ko naman kung bakit tayo humantong sa ganito. Ginusto kong lumayo para ikaw na mismo 'yong tumapos nitong kung ano man ang meron tayo. Pinabayaan kita, binalewala, but why am I feeling this empty hollow inside my chest?"

"Portia-"

"Patapusin mo muna ako, Mackie. Ilang araw ko ding hinintay 'tong pagkakataong 'to. Ilang araw din akong nagmuni-muni tungkol sa mga bagay na meron ako that I took for granted. Including you. Siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo na hindi ako 'yong tipo ng babaeng marunong magseryoso. Kaya nga sa bar tayo nagkakilala dahil hindi ako yung klase ng babaeng iiwanan mo sa Isang tabi at pagbalik mo nand'on pa rin. I'm free-spirited. I wanted to do things on my own. Ayoko ng may nagdidikta sa kung paano ko bubuhayin 'yong buhay ko. Kaya nga ang plano ko, pagbalik ko, makikipaghiwalay na 'ko sa'yo. Pero nagbago 'yong isip ko nung makita ko kayong dalawa ni Porche. Wala na akong balak pakawalan ka. Totoo yung sinasabi nila na malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay-o tao, kapag wala na 'yon sa'yo, kapag nakita mong mas maaalagaan ng mabuti ng iba yung bagay na binalewala mo. But then again, hindi ako selfish na tao so I'm letting you go." Napansin si Mackie ang pagkagat ni Portia sa pang-ibabang labi niya para pigilan ang panginginig n'on at ang pagpatak ng kanyang mga luha. Gustong-gusto niyang yakapin at I-comfort ang dalaga pero alam niya din na hindi makakatulong 'yon sa sitwasyon.

Her Best Mistake (Xavier Series) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon