Chapter 2

9.6K 204 6
                                    

Chapter 2

"Uy, baks! Ang gwapo ng boylet mo a," Kinikilig na sabi ni Yana sabay hampas pa nito sa kanya. Nasa isang buwang bakason siya pero dahil wala siyang inabutang Portia at may gunggong pang wala nang ibang ginawa kundi ang tumambay sa bahay ay napilitan si Porche na mag-volunteer sa mga medical and dental missions around Metro. Pero wala na siyang nagawa nung magpumilit si Mackie na samahan siya, sa kadahilanang baka daw maligaw siya at hindi na makabalik sa bahay. As If naman ganun na siya katagal hindi nakauwi sa Metro or ang tingin lang talaga sa kanya nung lalaking yun e, ignorante.

"Hindi ko 'yan boylet. Jowa 'yan ni Portia." Kiming sagot niya na lang. Speaking of Portia, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita sa kakambal pero na-contact na niya ang handler nito at sinabing may malaking modeling project ito sa Portu Rico. At ang weird lang na ultimo ata mga kaibigan at handler ni Portia, hindi kilala ni Mackie.

"Si Portia na talaga ang babaeng pinagpala sa lahat! Grabe, Baks. Sinalo na talaga niya ang lahat, pati nakakalusaw-panty na jowa!" At hindi na naman naiwasan ni Porche na ma-insecure sa kakambal. Oo nga't kapag magkatabi sila ni Portia, hindi talaga malalaman kung sino si Portia at si Porche pero mas confident si Portia. Mas maganda din ang tindig nito at mas may class manamit samantalang talino at haba ng pasensya lang ang meron siya. Hindi siya confident makipag-usap sa mga lalaki, it's either hindi siya makatingin ng deretso sa mga ito, o gumagawa siya ng paraan para makaiwas sa kanila. Kaya hanggang ngayon ay NBSB pa rin siya. Ang nag-iisang matagal na pakikitungo niya sa isang lalaki ay noong nagising nga siyang katabi si Mackie sa kama, na siyang ikinainit ulit ng pisngi niya.

"Hindi rin. Gwapo nga, napakasama naman ng ugali ng lalaking 'yan, so pati sama ng ugali n'yan nasalo ni Portia, kaya hindi siya maswerte." Nakasimangot niyang sabi. Napatingin siya sa lalaking topic nila busy sa pakikipaglaro sa mga bata.

"Kahit na. Aba baks, kilala mo ba kung sino 'yan?" Inginuso pa nito si Mackie na naramdaman atang siya nag pinag-uusapan at napatingin sa kanila sabay kindat sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin dahil baka isipin nito siya ang pinag-uusapan nila.

"Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya sa sinabi niyang pangalan. Nung una kase, ang sabi niya, James Reid daw ang pangalan niya tapos naging Rexbert Marcus Guevara." She said shrugging her shoulders. "Kahit anak pa siya ng pinaka-maimpluwensyang tao sa balat ng Pilipinas, wala akong paki basta bastos pa rin siya sa paningin ko!"

"Porche, wala bang TV sa Zambales at hindi mo kilala si James Reid?" Natatawang sabi ni Yana. Tinignan niya ito ng masama kaya tumigil ito sa pagtawa. "Pero eto seryoso, big-time ang pamilya n'ya. Geez. Baks, anak ni Liam Marcus Guevara lang naman 'yang brother-in-law mong hilaw."

Natigilan si Porche sa tangkang paglalagay nung bote ng antibiotic sa lamesa dahil sa sinabing 'yun ni Yana. "Liam Guevara? Yung may-ari ng Xavier Empire?"

"Isa sa major stockholder, yes." Lalong lumaki yung Inggit na nararamdaman niya sa kapatid. Ano pa bang ginusto ni Portia na hindi nito nakuha? At ano pa bang wala sa lalaking ito na naging dahilan kung bakit siya iniwan ng kakambal sa ere?

"Uy, Porche!" Bigla siyang tinulak ni Yana kaya nawala sa kakambal at sa boyfriend nito ang isip niya. "Okay ka lang ba? Nagse-space out ka, baks."

"Hindi naman. May iniisip lang ako." Kiming sagot niya.

"Hala, Baks! H'wag mong sabihing nai-inlove ka na d'yan sa jowa-ng yummy ng kapatid mo!" Exaggerated nitong sabi na ikina-agaw ng atensyon ng ibang mga nakapilang pasyente.

"Manahimik ka nga! Bubusalan ko ng cotton balls 'yang bunganga mo, e!"

Inlove? Hah! Itaga man sa bato, hinding-hindi s'ya mai-inlove sa lalaking 'yun! Kahit sabihin pang nakapa-gwapo nito, napaka-bango, nakapa-laki ng katawan at may malaki ding anes, hinding-hindi siya magkakagusto sa lalaking si Portia ang gusto.

Her Best Mistake (Xavier Series) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon