2. Meeting Him Again

10 0 0
                                    

😡Tea

"Don't move it's not yet done." I stopped humming with the music. Frenz is doing my make up right now while playing "Roses" by The Chainsmokers.
Kaya lang naman kailangan kong magtransform ay dahil ngayong gabi na ang birthday celebration ni Daphne.

"You know what, I miss daddy." Naalala ko na naman si daddy, ang singing mentor ko. Binigyan rin naman kasi ako ni God nang angking talento sa pagkanta, di lang obvious.

Napahinto si Frenz sa paglalagay ng blush on at tumingin sakin. "Tea, wag ka ngang emote diyan, cege ka masisira tong make up mo."

"Sorry na nga." Napa-pout ako. I know it's absurd, my dad died 12 years ago and yet I haven't moved on. Naiiyak parin ako pag-naaalala siya, pag walang pumipigil sakin umiiyak talaga ako ng mag-isa. I loved him so much that I can't believe he died because of stress. He was a workaholic person, just imagine? He died in his office while holding a pen.

"What time will the party start?" Frenz asked without looking at me. I know she just changed the subject.

"Seven-thirty. Why?" Kunot-noo kong tanong sa kanya, as far as I remember she's been doing my make up for almost 3 hours.

"And what is the time right now?" She was patiently waiting for my answer.

Kaya agad akong tumingin ulit sa relo ko. "Exactly Seven na!" Mismo ako nagulat dahil sa bilis na pagtakbo nang oras at hindi pa natatapos ang make up ko.

Binilisan ni Frenz ang paglagay ng lipstick at agad niya akong tinulungan sa pagsout ng dress. Inayos niya ng kaunti ang hair braid ko at inabot ang stilletos na susoutin ko. Para akong isang bride na nagmamadali dahil naghihintay na si groom sa altar, gosh!

"Go na Tea. Ang ganda mo na, Good luck! Take care, uwi ka nang maaga. Susumbong talaga kita kay Tita." Pag-papaalala niya sakin at niyakap ako ng slight.

"I will. Bye!" Sakto namang paglabas ko nang apartment may humintong taxi.

After sa 10 minutes na byahe, nakarating na ako sa mansion nina Daphne. Sobrang laki talaga at naririnig ko na ang music sa loob. Maraming kotse ang nakaparada na parang sale lang, nahiya naman ako.

Pagpasok ko sa entrance sobrang rami nang tao kalimitan ka age ko lang. Ang awkward maglakad sa entrance kasi wala akong kakilala. Ba't ba kasi sinali niya pa ako sa invitation eh hindi ko naman pinababayaran yung pagkopya niya sa assignment ko. Honestly hindi naman talaga kami close at hindi naman kasi talaga ako imbitado dito, pero dahil daw You saved me Tea, napasali ako. Alangan naman tumanggi nakakahiya kaya. Ang anak ng university president tinanggihan ni Tea Shee Monte? Shame.

Ang mas mabuti, eh hindi ako na-late mas nakakahiya kasi pag ako ang naging center of attraction dahil sa kapagongan ko.

Umupo ako sa may vacant seat malapit sa mamang bartender na busy sa pagmi-mix ng drinks. Ang galing ni mamang bartender, mapapangiti ka talaga sa ginagawa niyang pagmi-mix.

"Blue drink please!"

Naglaho ang ngiti ko nung narinig ko ang boses ng nagsalita kaya agad akong lumingon sa kanya para siguraduhin. Hindi naman siguro ako nagkakamali ang walang hiyang bastos sa mall ang nasa sa tabi ko.

Napansin niya ang presensya ko kaya't napalingon rin siya sakin. Mukhang nagulat pa nga siya nung nakita ako pero kalaunan nag-iba ang expresyon niya. He showed me a smirk and I plastered a sarcastic smile in response. Diba papatayin ko siya?

By the way, what the hell is he doing here? Plus, he is wearing a black suit. He seems to be one of the main visitors. I wonder!

"Hi babe!" Tila na-amazed pa siya sa itsura ko. He's checking me out! Kung makatingin lang yung parang model niya ako.

The Girl's EnemyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin