4. Hesitations

8 0 0
                                    

Tea😡

Thank God it's Friday makakauwi na ako bukas sa bahay namin. Pero bago ko muna isipin yan kailangan ko pang mag-review para sa examination ko mamaya sa Organic Chem. Lord sana'y gabayan niyo po ako.

📝📝📝📝 After Examination.

"Thank you Lord! Madali lang pala yung exam." Bulong ko sa sarili ko habang palabas na sa room at tutungo na sa next subject which is a minor subject lang.

Sakto namang pagpasok ko sa room dumating rin si professor.

"Class, take your seats." Sita niya sa mga boys na nagkaka-ingayan sa bandang likod. Mabuti naman at sumunod meron kasing ibang mga studyante na parang highschool lang, sobrang tigas nang ulo, hindi nag-mature kumbaga.

May pinakopya si maam na mga pointers para sa mga topic na i-tatackle namin next meeting.

"Good morning Maam." Biglang nag-alert ang tenga ko pagkarinig ko sa boses ng nagsalita. Napa-cross sign ako at napahiling na sana'y hindi siya. Pero sa kasamaang palad nakompirma kong siya na siya humangin kasi nang sobra. Pero teka lang? Ba't andito siya sa room nato.

Napahinto si professor sa pagsusulat sa whiteboard at lumapit sa kanya. "By the way class, this is Mr. Tristan Rafols your new classmate in this subject. Actually, he is from the Department of Engineering and is a transferee student. The other psychology section he enrolled was already full so since this section has one left slot we gave it to him." Halos mabingi ako sa tilian nang mga babae sa tabi ko. Parang mga highschool student lang.

"Please occupy the vacant seat Mr. Rafols." Mabuti nalang at may katabi na ako at ang vacant seat nalang ay nasa likuran. Akala ko umupo na siya pero nakatayo parin pala siya sa harap nang boung klase.

"Maam, can I please switch seats?" Narinig kong tanong niya sa teacher.

"Okay whom do you want to switch with?" Tanong ni professor kay Tan na walang ibang tinititigan kundi ako.

"I prefer to switch my seat with that girl." He said pointing my seatmate. What? "Since the girl she's sitting beside is my very good friend, I could easily ask her about the recent topics of this subject." He just plastered a very confident smile. Anong akala niya papayag tong katabi ko? Well, as far as I know she likes her seat. Tinaasan ko siya nang kilay, akala niya ha?

"Ms. Gordia, is it okay with you to switch your seat with Mr. Rafols?" Our professor asked.

Napalingon ako sa katabi ko, waiting for her answer. "I..it's o..okay maam."
O_____O Whaaaat?

"Makikipagpalit ka?" Bulong ko kay Gordia at tumango lang siya. What the fuck did Tan do to her para mapapayag siya.

"Okay now, please go with new your seats." Utos ni maam sa dalawa.

Halos hindi ako makapag-isip nang maayos dahil sa katabi ko ang kina-iinisan kong tao. "What do you think you are doing?" Pabulong kong tanong nang hindi nakatingin sa kanya.

"Im seating beside you." He did not get my point pero feeling ko sinadya niya. Sa halip na magtanong ulit, nakinig nalang ako kay professor.

Agad akong lumabas pagkatapos kaming dinismiss ni professor. Pansin kong nakasunod sakin ang gung-gung kaya humarap ako sa kanya. Yun tuloy bumangga siya sakin, mabuti nalang hindi ako na-out of balance pero ramdam ko ang pagdikit nang balat namin. I feel so yuck!

"Why are you following me?" Taray na tanong ko sa kanya, hindi ko alintana ang mga studyanteng nakatingin sa kanya. Rinig na rinig ko pa ang bulong-bulongan nilang gwapo tong nilalang na nasa harap ko.

The Girl's EnemyWhere stories live. Discover now