3. Texts and Calls

10 0 0
                                    

Tan's picture above ❤️

Tea😡

Monday!

🌞🌞🌞🌞

Sobrang nakakatamad pumasok kahit 2 weeks palang since nagstart ang pasukan. And the incident last night was like a nightmare. Sinabi ko na rin kay Frenz ang nangyari, ang akala ko maiinis rin siya sa Tan na yun pero nauwi lang sa tukso.

Habang naglalakad ako papuntang classroom may biglang sumabay sakin. Hindi ko siya nilingon at hindi ko pinansin baka mga gagong studyante lang.

"So rude!" Napahinto ako sa paglalakad at napapikit dahil sa inis. Boses pa lang niya kumukulo na ang dugo ko. Siya? Dito nag-aaral? Woah! This is absurd. Hinarap ko siya at nakita kong naka-nerdy glasses siya. Pero parang hindi naman siya nerd tingnan. Okay fine! Gwapo nga kasi siya. Aish! Pukolin mo nga yang ulo mo Tea Shee, umayos ka ha.

"Kahit ba dito?" Inis na tanong ko sa kanya. Hindi ko inaakalang sa dinami-daming paaralan dito sa Maynila dito pa siya nag-enroll. For my three years here in Mendevell University ngayon ko lang siya nakita, kaya hindi ako nagtatakang transferee siya.

He smirked. "You recognized me? I thought malabo yang mata mo." Asar niyang sabi sakin.

I rolled my eyes. "Please stop pissing me okay?" My tone was not pleading, definitely a command.

"Im not pissing you babe." He smiled at me. No way! He can't be that gwapo.

Nabigla ako nang tinanggal niya ang glasses niya at sinout sa mata ko. "Why am I wearing these glasses?" Turo ko sa salaming nasa mata ko.

"Sayo na yan. Para hindi na lumabo paningin mo at makita mong sobrang gwapo ng nilalang na nasa harap mo." He patted my head lightly and left me.

Naiwan akong naka-nganga habang nakatingin sa kanyang sexy back ay este sa likod niya. Nabuwisit na naman ba ako ngayong araw? Aish!

Tinanggal ko ang glasses at aakmang itatapon ko sa basurahan pero na-tempt akong tingnan ang brand ng glasses. And there I saw a word Oakley. Sayang naman kung itatapon ko kaya pinasok ko nalang sa bag ko. Idol ko kaya ang endorser nito! Isa siyang korean kaya never mind.
Eight minutes to go at mag e-eight-thirty na kaya dali-dali kong tinungo ang classroom.

"Hi Tea Shee!" Masiglang bati sakin ni Daphne. Actually sa Philosophy subject lang kami magkaklase at magkatabi kami. Kaya nangyari yung pagkopya niya sa assignment ko.

Nginitian ko siya. "Hello Daphne!" Tipid kong sagot, ayoko kasing makipag-close sa kanya. Sobrang social, madaldal, spoiled brat at hindi kami bagay maging magkaibigan. Alam ko naman kasi ang totoo niyang kulay. Mabuti siyang tao pagkaharap mo pero sobrang sama pagnakatalikod na sayo. Marami na akong narinig na masama tungkol sa kanya kaya mas better na umiwas nalang ako habang maaga pa.

Umupo na ako katabi siya. I hope hindi siya mag-oopen up nang topic tungkol sa birthday party niya.

"Tea, I have a favor." Nagpa-cute siya like blinking her eyes many times. Di bagay!

"What is it?" Kinabahan ako bigla sa pa-favor favor niya. Kapahamakan pa naman ang dulot nitong Daphne na ito. Sana dumating na si professor.

"Can I borrow your phone?" Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kung ano na, yung Can I borrow your phone lang pala.

"Okay!" Agad kong sagot. Hindi ko na tinanong pa kung anong gagawin niya sa phone ko.

After ten minutes binalik na niya ito at sakto namang dumating ang professor namin.

The Girl's EnemyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin