6. Project Matters

10 0 0
                                    

Tea😡

"Frenz, bakit ba di kita nakikita sa school these days?" Tanong ko habang kumakain ng fries. Sabado ngayon kaya walang pasok pero sandamakmak na project naman ang nakapila at isa pa sa hindi ko inaasahang pangyayari, magkikita kami ni Tan bukas para sa slideshow presentation namin. Nabu-bwisit talaga ako pagnaaalala ko yung lalaking yun.

[Flashback]

During psychology subject.

"Class, we will be having a slideshow presentation and make sure to discuss the topics clearly and fully detailed, by pair and don't worry I will be the one to find your partners."

Ito ang mahirap sa pagiging estudyante eh yang report report na yan. Hindi ako nag enroll nang pharmacy course para maging reporter, pambihira minor subject talaga mas hassle pa kesa sa major.

Nagsimula na si maam sa pagro-roll call at laking gulat ko nang!
"Tea Shee Monte and Tristan Rafols, your topic is all about defense mechanism."

Napanganga nalang akong nakatingin sa professor namin.

"Oh paano ba yan Tsaa partner tayo." Napalingon ako sa gung-gung na nasa tabi kong may pakindat kindat pang nalalaman. Bwisit talaga! "Saan tayo magde-date?"

Halos lumuwa mata ko sa sinabi niya. "Anong date sinasabi mo? Tumino ka naman minsan." Kahit nag-aapoy na ako sa galit binabaan ko pa rin ang boses ko.

Hindi siya umimik. "Tomorrow, meet me at the library." I ordered. "Three-thirty pm." Dagdag ko.

Naghintay ako sa sagot niya pero kumunot lang ang noo niya. "Bahala ka kung ayaw mo." Inirapan ko siya

"No, may lakad ako." Tipid niyang sabi. Aba't umaangal, baka naman may schedule na siya sa mga babae niya. Dyos ko Lord inuuna pa ang kalandian.

Napansin kong lumabas si professor kaya humarap ako sa kanya ng diretso at tinuro siya. "Hoy ikaw gung-gung ka, wag mung unahin mga babae mo. Marami ka pang araw makipaglandian kaya pwede bang kahit bukas lang i-cancel mu muna yang schedule mo sa mga chiks mo!" Halos hindi ako nakahinga kaya lumanghap ako nang napakalalim. Napa-aray naman ako nang sinapak niya ang daliri kong nakaturo sa kanya.

At eto na naman ang nakakaloko niyang aura. "Bakit? Gusto mong solo kita bukas?"

And again he really amazed me by his nonsense thoughts. "Ang kapal at ang hangin mo talaga." Sigaw ko sa kanya at pansin kong nakatingin na ang ibang classmates namin.

"Im sorry babe but I have to meet my childhood friend and attend a family gathering afterwards." He paused. "No change of plans."

"Kainis!" Yan nalang ang tanging nasabi ko.

He bent closer to me. "I will never change my plans just because of this stupid project. Im free on Sunday."

Wala na akong naging choice kundi ang sundin ang sinabi niya. "Fine." Napabuntong hininga ako at sakto namang dumating na si professor.

[End]

"Hey! Tea are you listening to me?" Halos matapon ko ang hawak-hawak kong isang bucket ng fries.

"Oh! I-im sorry Frenz, ano nga ulit yun?" Binigyan ko siya nang napakalapad na ngiti para di siya magtaka at baka matanong pa niya kung anong iniisip ko. Hay naku!

Bigla siyang lumapit saakin at binigyan ako nang naghihinalang tingin. "Ikaw ha? May napapansin ako sayo." Sabi niya saba'y dukot ng fries na hawak ko.

"Wala noh, marami lang akong iniisip tungkol sa mga projects." Umiwas ako nang tingin sa kanya at sumubo ulit. "Hindi na tayo nagkikita sa school."

"Eh kasi naman busy ako. What is? Fine Arts, maraming ginagawa." Napailing nalang ako sa sinabi niya. Eh noon nga kahit may mga projects rin siyang nakapila tinetext niya ako kung nasaan siya. Di kaya may boyfriend na tong kumag nato kaya wala nang time sakin?

"Eh? Baka iba naman yang pinagkakaabalahan mo?" Patawa kong tanong sa kanya.

She was like checking her nails trying not to look at me. "May transferee student sa department namin. Cute siya, noong monday lang siya nagenroll." Hindi pa rin siya tumitingin sakin.

"Ows? Pwede pang mag enroll?"

"Oo naman, as long as hindi pa nagpe-prelims. Tumatanggap pa nang transferees." Inirapan niya ako at bumalik ulit sa mga kuko niya.

"You like him?" Tanong ko sa kanya at binato siya nang isang pirasong fries. Kung makadepensa lang yung parang kaaway niya ako.

"Hindi noh. Ano lang, i just admire him kasi... ano.. he's bastaaa... Ano bah!" Tila nainis pa siya.

Nakatingin ako sa kanya nakangiti nang sobra habang kumakin nang fries. "My Frenzee is in love. What's his name?"

Napatayo siya. "That's a secret." Mabilis siyang dumukot ng fries sa bucket ko bago tumakbo papasok nang bedroom.

Paginlove talaga speechless ako diyan kasi hindi pako nagkakaroon ever.

And....

About what I said earlier talagang totoong partner ko si Tan sa project namin. Kailangan ko pa ngang magresearch tungkol sa topic na binigay ni maam. Alam kong hindi yun magaabalang magsearch sa internet sobrang tamad nun pagdating sa school projects.

Ba't alam ko?

Um, well kasi makikita mo naman at mapapansin mo sa panlabas niyang anyo or in english physical attraction ay etse physical appearance.

↗️Chae

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl's EnemyWhere stories live. Discover now