Chapter 29

873K 11.3K 3.1K
                                    

Chapter 29


Mikay's POV

Nagulantang kaming lahat nung biglang nagsisigaw si Mama para magising kami.

I groaned.

Puyat ako.

Di pa ko nakakakatulog ng maayos.

Anong oras na ba ko nakauwi?

Tapos isip pa ko ng isip kaya may liwanag na yata nung nagising ako.


*kusot mata*

Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Saktong kakalabas lang din nila Dindi at Ella.

"Ma, anong nangyayare?" Tanong ko kay mama na mukhang nagpa-panic.


"Si JC, nagkakatok dito. Sumakit daw kasi tiyan ng Mama niya, kailangan dalhin sa ospital" Tapos kita kong may hinahanap siya sa bag niya.


"Oh? Bakit di pa dalhin si Tita Karla?" Tanong ko.


"Sira yung kotse nila, di nga ma-gets ni JC kung bakit ayaw umandar. Si Gino naman, di makatayo at nahihilo, inaapoy ng lagnat. Yung papa nila, wala pa. Wala namang taxi or kahit na anong nadaan dito dahil subdivision ito-----"

*BEEP BEEP*

Narinig namin yung kotse sa labas.

"Oh sige na. Lock niyo yung pinto. Samahan ko sila papa mo" Tapos nagmadali na si Mama bumaba.

Si Papa pala yung magda-drive.

Si Ella sumunod kay mama para i-lock yung pintuan.

I looked at Dindi na halatang antok pa. "Si Joyce?" Tanong ko nung nahalata kong wala pa siya.

"I don't know ate. Kagabi pa hinahanap nila Mama pero di ma-contact. Sige ah, tulog muna ako" then pumasok na siya sa kwarto niya.


"Ate, ako rin, matulog na muna" Sabi ni Ella.

"Ah teka..."

Si Gino daw...nilalagnat.

Okay lang kaya siya?


"Bakit?" Sabay humikab si ella.

"Wala. Sige na, matulog ka na"

Pumasok na rin siya sa kwarto niya at ganun na rin ang ginawa ko.

I sat at my bed.

Humiga ako para matulog ulit pero di ko na magawa.

Nagaalala ako kay Gino.

>_<

Naulanan kasi siya kagabi.

Buti ako, di nilagnat.

Tumayo na lang ako at naligo.

6 am pa lang, sobrang aga pa pala!

Nag-sweat pants lang ako at long sleeves dahil malamig pa kasi.

Tapos dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko.

Ni-lock ko yung pintuan ng bahay since may duplicate key naman ako.

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon