Chapter 6

1.4M 19.7K 6.1K
                                    

Chapter 6

Mikay’s POV

NASAKIT NA ULO KO!!

>_<

Ano ba kasi dapat suotin ko? Sheez.

Syempre, ayokong magmukhang losyang dun.

Ayokong sabihan na nerd.

Kahit isang gabi lang, gusto ko…iba naman itsura ko.

Si Mome lang naman ang makakakita sakin pati ang family niya.

Hindi yun kakalat sa PU for sure.

Nakakainis kasi eh!

Bwisit.

WALA AKONG ALAM SA FASHION!

“Huy ate! Bakit nakakalat lahat ng damit mo dito sa kama mo? Teka…hindi ka pa ba magaayos? 7 tayo pupunta dun, 6:30 na po”

Bigla na lang sumulpot si Dindi.

Umupo siya sa kama tapos tinignan lahat ng damit ko.

“Di, ano ba dapat kong suotin? Lahat ng damit ko, ang panget!”


“Tsk tsk tsk. Kasi! Yan ang sinasabi ko sayo ate! Kapag nag-shopping kasi tayo, magpapabili ka rin ng damit”


“So kailangan sermonan mo pa ko? Bilis na! Nahihirapan na ko mag-decide oh!”


“Teka nga…” Tumayo siya then nilapitan ako. Yung mukha niya, pangasar pa. “Don’t tell me…nahihirapan ka mag-decide kasi gusto mo…magandahan sayo si Jerome noh?”

O_O

A-ano?

“OMG! ATE! INLOVE KA BA? Shocks! Atlast! Hindi ka nga tomboy! Wahaha---Aray! Hahaha”

Tss. Binatukan ko nga ang loko.

“Ako? In love? Agad-agad? Ano ito? PBB Teens? Seriously Di, hindi ka talaga nakakatulong. Syempre makikilala ka ng parents niya. Sino ba naman gustong maging mukhang-basahan dun?”


“Ate! In love ka nga! Family tayo na pupunta at hindi lang ikaw ang kikilalanin! Ano feeling mo? Date niyo ito? Or di kaya…ipapakilala ka ni Jerome as his boyfriend? Feelingera ka ate mikay!”

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon