Chapter 36

862K 12.5K 4.5K
                                    

ANNOUNCEMENT!

As much as i want to update every week, di po pwede eh. Sorry! Wala pa rin pong internet yung computer namin, nakigamit lang po ako ngayon sa tita ko :)

Maybe by april, back to normal na. I don't know pa po.

Anyway, thanks for the patience guys!  Ito pambawi ko :)

---------------------------------------------------------------------------

Chapter 36


Mikay's POV


It's been two weeks.

Tingin ko, okay na lahat.


Di naman nanggulo si Jerome.

And...I think nakakamove on na ko.


I barely think about him especially andiyan si Gino.

He spent most of the time with me dito sa bahay since bakasyon pa rin naman.


As for joyce?

Di kami naguusap.

I think she knows she's the reason why Jerome and I broke up.


My mom knew na hiwalay na kami ni Jerome pero I'm glad, di siya nagtanong kung bakit.

Di naman nahahalata nila mama na iba na talaga pakikitungo ko kay Joyce since dati pa naman, magkaaway na talaga kami.


"How about laro na lang tayong xbox sa bahay?" Tanong ni Gino sabay higa sa kama ko.

Nakaupo ako ngayon sa study table ko, nagti-twitter lang.

Tumayo ako at umupo sa tabi niya.


"Bili ka na lang halo-halo tapos yung mga ihaw na isaw or barbeque para naman ngumiti ako" Pagbibiro ko.


Umupo siya at ngumiti.

"Sasagutin mo na ba ko kung gagawin ko yun?"


I rolled my eyes at ako naman ang humiga sa kama. "Nanliligaw ka pala? Bakit di ko feel?" sabay tinawanan ko siya.


"Hindi mo feel? Psh. Inaraw-araw ko na nga panliligaw sayo. Lagi kitang binibigyan ng chocolates at flowers. Tapos nagde-date pa tayo sa labas. Nasabi mo na rin namang mahal mo ko ah. Bakit di mo pa ko sinasagot?"


Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya.


"Eh di mo naman kasi sinabing panliligaw na yun. Akala ko mahilig ka lang talaga manlibre hahaha"

Piningot niya ilong ko kaya mas lalo akong natawa.


"Pinagtitripan mo na ko ah!"

"Hindi kaya haha"


He laughed too pero sumeryoso din after.

Hinawakan niya yung cheeks ko.

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon