Kabanata 2

2.5K 95 10
                                    

ii

Birthday wish granted!

Ito na ba yung tinatawag nilang love at first sight? Grabe, nakakaubos pala ito ng hininga. Ito na rin ba yung sinasabi nilang cliche? Nababasa ko dati sa mga libro iyong cliche love story, may mga ayaw sa gano'n ngunit ako ay gustong gusto maranasan iyon. Iyong pakiramdam na nararamdaman din iyon ng karamihan. I want to blend in. I want to belong. Ayoko nang kakaiba ako. I want some friends ngunit dahil sa kalagayan ko, ipinagkait sa akin iyon. Ipinagkait sa akin ang mga simpleng bagay sa mundo. Yung normal na pamumuhay ng isang tao.

Pero ayokong mag drama ngayon. Gusto ko munang kiligin. First time to eh! Well, first time hindi sa isang artista.

"Isusumbong kita kay Mommy!" Galit na galit si Zion pagkatapos maidugtong ng kaibigan niya iyong hose sa ilong ko.

"Oy, wag! Wag, Zi!" Pag mamakaawa ko kay Zion. Kunot ang noong tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya at bumalik sa mesa. Naiwan yung kaibigan niya sa gilid ko. Ang ingay ng monitor sa tabi ko, leche!

Ganoon ba talaga pag kinikilig ka? Parang napapaos na yung puso ko kakatili.

"Zion, ganito ba talaga, to?" Turo niya sa monitor. "Ang ingay naman." Reklamo niya. Ganyan talaga yan! Dumating ka eh, kasalanan mo! Hindi mo ko sinabihan.

Nag kibit lang ng balikat si Zion. Muli akong nilingon nang kaibigan ni Zi. Walang modo talaga tong kapatid ko. Hindi man lang kami ipinakilala sa isa't isa. Mukhang wala talaga siyang balak, a.

Gusto ko nang lumubog sa hinihigaan ko nang malingunan niya akong nakatitig sa kanya. Ngumiti ito ng abot hanggang tainga tsaka tumalikod para lumapit kay Zi.

Shet, ang cute niya!

"May tubig diyan." Rinig kong sabi ni Zi. Umupo ito sa sofa at tsaka binuksan ang bottled water na hawak niya. Nang mag lipat ito ng tingin sa akin ay agad kong itinapon sa pinto ang mga mata ko.
Wow, ang gwapo talaga ng pinto!

Bigla itong tumayo at lumapit ulit sa akin. Halos umuga yung kama dahil sa bigat ng tibok ng puso ko. Ang oa. Ganito pala ang epekto ng unang pag-ibig? Ayoko sa oa pero dahil sa kanya gusto ko ng maging oa. Over admiration.

"Kung papatayin ko ba 'to, mamamatay ka?" Tanong niya.

"Ha?" Nilingon ko siya. Nanatili sa monitor ang mga mata niya.

"Ang likot ng puso mo." Seryosong sabi niya. Lumalandi kasi. Gusto kong sabihin pero nakakahiya. Ganon ba yun? Pag may crush ka sa isang lalaki, nahihiya ka? Nahihiya ka pero pasimpleng lumalandi ka naman? May ganon ba? Ang weird ko.

Tinanggal niya na ang mga mata sa monitor at muling tumingin sa akin. "You okay?" Nakangiting sabi niya.

Gwapo talaga, walang biro! He's what... 16? Kung mag kaklase sila n Zion, ibig sabihin kaedad lamang niya ito. He's 16 pero matangkad na ito sa edad niya. Just like Zion. Maybe an inch smaller than Zion. So he must be, uh... 5 feet and eight inches? And if I am going to rate him from 1-10, 10 talaga siya! Kung pwedeng dagdagan ng isa pa dahil sa ngiti niyang nakaka-ubos hininga, 11 na siya. Over qualified!

Zion's 12, though.

"Hey? I'm Jake. Lorraine, aye?" Nag lahad ito ng kamay. Napatitig ako sa mapupula niyang palad. Walang trabaho 'to, panigurado! Mayaman siguro. "Tatanggapin mo ba o babawiin ko na?" Nakangising ginalaw niya ang palad sa harap ng mukha ko. Para akong nagising mula sa napaka-gandang panaginip.

Scratched HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon