Kabanata 5

1.7K 44 37
                                    

v

Agad na niyakap ako ni Mommy nang makapasok na kami ng bahay ni Jake. She checked me all over my body kung ayos lang ba ako. As if I'm not complete or something was missing in me tha she needs to find.

"May masakit ba sa'yo? Aleng Ising, gamot po ni Lorraine, yung-" I stopped my mother, midway. She's over-reacting. Again.

"Mo'm, relax. I'm fine." Sabi ko. Nasa tabi ni Kuya Kristan si Zion na nakapang-tulog na. Gulo-gulo pa ang buhok nito. Ang gagaling umarte!

"Relax? How can I relax, Lorraine? Iniwan kita sa room mo na tulog ka, tapos pag balik ko ay wala ka na sa kama mo! How can I relax? Kagagaling mo lang sa ospital, tapos makikita kitang tumakas? I called your daddy already." Mahabang lintaya ng Mommy.

Nanlaki ang mga mata ko. "Mom!" I groaned.

"What? Anong ine-expect mo? I need to call your daddy, he needs to know what you've done! Asan ka ba galing?" Mahinahon ngunit bakas ang takot sa boses ng mommy. Na guilty na naman tuloy ako.

Nag tama ang mga mata namin ni Zion. Agad tinakasan ito ng kulay sa mukha. Hindi alam ng mommy na lumabas siya. Hindi siya nahuli. Bahagyang umiling si Zion. Kuya Kristan looked at him pagkatapos ay sa akin. Naka-crossed arms ito habang ng taas ng isang kilay sa akin. Na para bang nakuha niya na.

"Saan ka galing, Queen Lorraine?" Pag uulit ni Mommy. "And what are you wearing? Saan mo nakuha ang mga damit na iyan? Hindi ko natatandaang binilhan kita ng ganyang damit o nag pabili ka sa akin ng ganyan." Umiiling na pinunasan ni Mommy ang pawis sa noo ko.

The clothes are from Tammy. Every time the family visited me, Tamara always bought me something I am not supposed to either, wore, done or ate. Pero kahit ganoon ay tinatanggap ko. Tamara's a fine girl. Wala syang masyadong nakaka-sundo sa mga pinsan ko dahil kakaiba siya kumilos kung ikokompara mo sa iba. Sa akin lang din siya nakikipag usap ng hindi niya kailangang makipag-plastikan.

An hour later...
Bumukas ang pinto at nag kukumahog na pumasok ang daddy. Agad na niyakap niya ako at hinalikan sa ulo. Another parent who over-reacts.

"Where have you been? You never sneaked out before, Lorraine." Mahinahon na sabi ng daddy. Kung yung boses ni Mommy ay natatakot, kay daddy naman ay pag-aalala. Now I feel even more guilty.

"Saan ka ba talaga galing, anak?" ani daddy. Nilingon ko si Zion na mas lalong namutla nang dumating ang daddy. Hindi ko puwedeng sabihing sinundan ko si Zion. Malalagot ito kay Daddy.

"I... I followed Jake." Sabi ko. Sa gilid ko ay lihim napatalon sa gulat si Jake sa narinig. Lahat ay nasa kanya ngayon nakatingin. And I feel bad for him. I should have lied better. Nag isip pa sana ako ng ibang rason. Bakit hindi ko nalang nilaglag ang mga kapatid ko? Hindi rin iyon pwede. Mas mako-konsensya ako.

"Paano mo nalaman kung nasaan ako?" He asked. Sobrang kalma lang ng boses niya. I expected him to growl at me pero hindi niya ginawa iyon. He should be angry. Maiintindihan ko iyon. Siya itong inuwi ako tapos siya pa itong dinidiin ko. But he looked amazed.

Kinilabutan ako ng makita ang nakatagong ngisi ni Jake.

"Nakita ko lang sa facebook mo." Sagot ko. Now he knows you stalked him, Lorraine. Just great! Nag salubong ang mga kilay niya at tuluyan nang lumabas ang mga ngisi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Scratched HeartWhere stories live. Discover now