Kabanata 4

3K 112 33
                                    

iv

We're limitless, baby.

Gusto ko sanang dalhin si Aireena kaso alam ko namang loyal kay Mommy iyon. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa pag takas ko dahil baka mag bangayan lang kami sa gate. Mahuli pa ako.

Alas nueve ang tulog ko. Kaya nang mag eight-thirty na ng gabi ay iniwan na ako ni Mommy sa kwarto ko. Binuksan ko agad ang lampshade sa left side at agad bumangon. Dumerecho ako sa closet at dinukot mula sa loob ang naihanda kong damit kaninang hapon.

Nag bihis ako ng mabilisan. Bawal sa akin ang powder kaya hindi na ako nag pulbo. Konting lipgloss lang ay sapat na. Inayos ko ng mabuti ang buhok ko bago ko inayos ang kama ko. Inayos ko talaga ng mabuti ang mga unan ko tsaka pinatong sa ibabaw ang kumot. Siguro naman hindi na ako mahahalata mamaya pag sinilip ako ni Mommy Alora.

Bandang ten ng gabi ko na naisipang lumabas ng kwarto. Sa likod bahay na ako lumabas para hindi ako makita. Mabilis na lumabas ako ng gate nang nakahanap ako ng tiyempo.

Swerte ko naman talaga at may dumaang taxi palabas na ng subdivision. Pinara ko na agad.

"Saan po tayo, Ma'am?" Tanong ng taxi driver.

Napahawak ako sa dibdib nang biglang nakaramdam ako ng pagod. Hindi naman ako tumakbo pero parang nag racing ako.

"Teka lang po. Tuloy niyo nalang ang pag drive." Sabi ko.

Pina andar na nga niya ang taxi niya. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan sa drafts ang address ng bar kung saan gaganapin ang party. Nag facebook ako kanina at hinintay ko na mag post si Kuya Kristan ng status.

Pinabasa ko sa driver yung address. Hindi ko na kasi mahanap yung boses ko.

Grate crash! Matibay Raine is going to gate crash a party! Number one in the list, checked!

Kinalma ko yung sarili ko para tumahan yung puso ko. Ngunit nang pagbaba ko ng taxi at namataan si Jake na pababa ng motor niya ay bumalik ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Sensor na rin ata itong puso ko. Nag aalarm pag malapit lang sa paligid ko si Jake.

Eksaktong pababa na rin ng taxi si Zion nang malingunan ni Jake. May kasamang babae si Zion. Who's the girl? I don't care about her, I care about who's going to be Jake's date for tonight. Iniisip ko pa lang na may ibang babaeng kakapit sa braso niya ay parang maiiyak na ako.

Pinakilala ni Zion yung babae kay Jake. Matangkad ito, maputi at kulot ang kanyang kulay red na buhok. Masyado akong malayo kaya hindi ko ma identify kung may lahi ba ito o sadyang pinakulayan ang kanyang buhok.

I saw Jake laughing while he whispered something to Zion's ear. Nag patiuna ito sa pag lakad. Sumunod sa kanya ang dalawa. I was about to move when my phone suddenly buzzed. Napatalon ako sa gulat. Hindi dapat sila mawala sa paningin ko. I put my hood on and then I followed them through the backdoor.

Nag tago sa likod ng malaking trash bin ang tatlo. Jake wrinkled his nose. Malamang mabaho doon sa lugar nila. Ilang sandali lang ay bumukas ang backdoor at may lalaking lumabas. He was texting. Hindi makakalusot sila Jake dahil nasa pintuan lang ang lalaki, nakaharang.

Pag lingon ko pabalik sa kanila ay may hawak ng cellphone si Jake. Nakipag-apir ito kay Zion at agad lumabas sa lungga nila. Zion grabbed the girl. Malaya silang nakapasok dahil may kasabwat sila. Alam kaya ni Kuya Kristan iyon? Malamang hindi. Dahil hindi na nila kailangang mag bayad ng bouncer para lang makapasok sila.

Scratched HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon