Kabanata 3

2K 82 6
                                    

iii

#GateCrash...

Walang pag lagyan ang tuwa ko habang inaayos ni Mommy ang mga gamit. Excited na talaga akong umuwi. Binuksan ko ang pinto at sumilip ako sa labas. Pang apat na beses ko na atang silip ito. Wala nang masyadong tao ngayon.

"Lorraine," tawag ni Mommy. "Umupo ka nga muna! Ako ang napapagod sa'yo eh." Aniya. Umismid na tumango ako at sinara ang pinto. Umupo na lamang ako sa couch at itinuon ang atensyon kay Manang na nag liligpit rin ng ibang gamit. Pumasok iyong driver namin at tsaka ibinigay ni Manang yung mga bag na ibababa na. Mas lalo akong na excite!

Binuksan ni Mommy yung pinto, para akong bagong laya habang sumusunod sa paglalakad ng Mommy. Binabati ko lahat ng dumadaan, kakilala man o hindi. Na miss ko 'to!

I missed the nature. Yung hangin, yung ingay ng kalsada, yung mga tao sa paligid. How I wished I could be like them. Kahit isang oras lang. Yung malaya akong gawin lahat ng gusto ko at walang inaalalang sakit. I don't want to take medicines anymore.

Pag pasok ko ng bahay ay agad kong pinakiramdaman ang paligid. Kalahating taon rin akong hindi naka-uwi rito. Binati ako ng mga kasambahay namin. May iilang bago sa paningin ko. May nadagdag na tatlong babae. Isa doon ay kasing edad ko lang ata. I smiled at her. Nahihiyang nag balik ito ng ngiti.

"May gusto po kayong kainin, Ma'am Lorraine?" Sabi no'ng isang baguhan.

"Can I have a soda?" I asked.

"You can't." Mabilisang harang ng Mommy. Of course I can't, Mom. Sinubukan ko lang, baka makalusot.

"Hi," lumapit ako do'n sa kasing edad ko lang na babae. "You're new. Anong pangalan mo?" Nag angat ito ng mukha at nakangiting sumagot.

"Aireena, po, Ma'am Lorraine." Aniya.

"Lorraine nalang, Aireena. Mag kasing edad lang naman tayo, di'ba?" Bahagya itong tumawa tsaka umiling.

"Hindi po. Seventeen na po ako." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. She's seventeen but she looks thirteen to me. Mag kasing tangkad lang kami kaya akala ko kasing edad ko lang siya. 5"2 ang height ko, at sa tantiya ko, mataas lang siya ng ilang pulgada sa akin.

"Talaga ba? Anak ka ba ng isa sa mga kasambahay namin?" Tanong ko pa. Tumango ito. Mag tatanong pa sana ako nang biglang tinawag na ako ni Mommy.

"Pahinga ka muna, Raine." Utos iyon. Tumango ako tsaka nag paalam kay Aireena. Nasa hagdanan na kami ni Mommy nang nilingon ko siya ulit.

"Aireena!" Tawag ko. "Pwede bang dalhan mo ako ng merienda?" Tumango agad ito.

"Raine, hindi siya katulong dito sa atin. Ang nanay niya lang." Sabi pa ni Mommy.

"Okay lang po, Ma'am. Gusto ko rin po talagang tumulong dito sa bahay. Para naman po masuklian ko po iyong kabaitang ibinigay niyo sa amin ng Nanay." Ani Aireena. So scholar pala siya ng Mommy. Damn, Lorraine! Bakit di mo naisipi na hindi pwedeng maging katulong ang isang menorde edad sa pamamahay nyo?

"Sige na po, Ma'am Alora. Payagan niyo na po ang anak ko." Sabi no'ng babaeng nasa edad singkwenta na 'ata. Nanay pala ito ni Aireena. Pumayag na rin si Mommy kaya tuwang tuwa si Aireena.

Scratched HeartWhere stories live. Discover now