Pagpapakilala Ng Mga Bida

7K 110 0
                                    

Starring:

Jose Marie Borja Viceral
(As; Benjamin Viceral)
- CEO at President ng kanilang kumpanya na Red Petals.
Ang kanilang pamilya ay isa sa mga kinikilalang napaka yaman at maunlad na kumpanya na hindi lang kilala sa Pilipinas kundi sa ibang parte din ng asia.
Bakla si Benjie.
Hindi man sumangayon sa una ang kanyang Lolo, ay tinanggap din siya sa huli.
Nag-iisang anak at apo ng kanilang pamilya. Siya ang inaasahan ng kanyang Lolo na magpatakbo ng kanilang negosyo, siya rin ang magiging tagapagmana ng kanilang kumpanya.

Matagal na din pumanaw ang kanyang ama dahil sa Heart Attack.
Simula ng pumanaw ang Padre De Pamilya nila, ang kanyang ina ay minabuting manirahan na lamang sa States. At dahil din may negosyo na tinayo din siya doon.
Bukod doon, hindi rin humadlang ang kanyang Lolo sa pagkakaroon niya ng boyfriend. Lagi lang siyang pinapayuhan ng kanyang Lolo na wag medyo mag titiwala sa mga magiging Boyfriend niya dahil, baka pera lang ang habol nila sa kaniya.

Hindi rin nagtagal ang huling relasiyon niya, dahil as expected, he cheated with another woman
Simula noon, binalewala na lamang niya ang pag-kakaroon niya muli ng relasiyon at nag-focus na lamang sa kanyang pamilya at sa kanilang kumpanya.






Ana Karylle Padilla Tatlonghari
(As; Maia Tatlonghari)
- Isang masipag, napakaganda at matalino, ngunit may pagka-kuripot. Siya ang panganay sa kanilang limang magkakapatid.
Ang mga kapatid naman ni Maia ay sina, Coleen, Xyrel at Zia.

Nagtatahi ng basahan at nagtitinda ng fishballs at quek-quek ang kanyang ina. Tumutulong din sa paglalako ng mga tinitinda ng ina ang mga magkakapatid. Scholar silang lahat sa school, kaya naman wala silang medyong ginagastos sa paaralan. Ang malaking ginagastos lang talaga nila ay sa pagbabayad ng kanilang tinitirahang bahay at kuryente, idagdag pa ang kinakain nila araw-araw.

Ang kanilang ama naman ay nag-tatrabaho sa Saudi. Pero, ilang taon nading 'di nag papadala ang kanilang ama sa kanila o nagpaparamdam manlang, hinala naman ng kanyang ina na may iba ng binubuhay na pamilya ang kanilang ama roon.

The Maid And The Gay Boss / ViceRylle (Editing)Where stories live. Discover now