Expect The Non-expected.

2.4K 42 2
                                    

A/N: Flashback(II)

Kinabulasan, tuluyan na ngang nag paalam si nanay Rosario kay Benjie para bumalik na ng US. Samantala, si G. Viceral naman ay maagang umalis papunta sa kanilang opisina dahil sa dadaluhing meeting.
Wala namang magawa si Benjie kundi mag paalam sa Ina kahit ayaw niya itong umalis.

"Oh anak, magpapakabait ka dito hah? Kung may kailangan ka tawagan mo'ko kaagad." Paalala naman ni Nanay Rosario sa kanyang anak at sabay yakap dito.

"opo nay, mamimiss ko po kayo." Malungkot na sagot naman ni Benjie sa Ina na niyakap din ng huli.

Pero bago pa umalis ng tuluyan, nilapitan naman muna ni nanay Rosario si Aling Elisa na nakatayo sa tabi ng pintuan ng bahay nila.

"Aling Elisa, kayo pong bahala sa anak ko ulit. Paki alagaan lang po siyang mabuti para saakin, please po." Tila pagmamakaawang bilin ni nanay Rosario sa ginang.

"katulad ng sinabi ko nak, ako ng bahala kay Benji, basta mag iingat ka din do'n, nak." Bilin din naman ni Aling Elisa kay nanay Rosario.
"opo nay, maraming salamat po." Pabulong na pasasalamat naman ni nanay Rosario sa ginang habang sila'y magkayakap.

At doon, tuluyan na ngang sumakay ng sasakyan si Rosario para ihatid siya sa airport.

Nang makaalis ng tuluyan, matamlay na pumasok muli si Benjie sa kanilang bahay patungo ng kanyang silid.

Pero bago siya makaakyat ng hagdan papuntang silid ay tinawag siya ni Aling Elisa.

"mag miryenda ka muna, nak.." Anyaya ni Aling Elisa kay Benjie.

"ok lang po nay Elisa, busog pa po ako e..mamaya nalang po, si-sige po dun po muna ako sa kwarto ko." Sabay akyat papunta sa kuwarto si Benjie. Halata naman ang pagkalungkot sa mga mata ni Benjie.

Hindi na siya pinilit ng kasambahay dahil alam niyang malungkot parin siya na iiwan siya muli ng kanyang Ina sa ikalawang pagkakataon ng pagkikita nila.

Kahit kasi simula no'ng dumating ulit ang nanay niya galing US para nga dumalo sa ikatlong taong anibersariyo ng kanilang kumpanya, ay wala na itong naging time para mag bonding manlang silang mag-anak, dahil narin sa parati siyang iniimbitahan ng mga kasosyo din nila sa kumpanya na halos araw-araw na mag meeting.

Nang makarating si Benjie sa kanyang silid, ay napasalampak nalang ito sa kanyang kama. Tumihaya naman agad siya na nakatingin naman ngayon sa kanyang kisame. Habang tinitignan niya ang kisame, napaisip naman siya..tila napakalalim ng iniisip.

Pero sa hindi niya alam ang rason, bigla nalang niyang naramdamang may tumutulong luha na pala sa kanyang pisngi. Bigla naman niyang pinahid ang luhang namumuo sa pisngi niya gamit ng kanyang mga kamay.

Lumipas ng ilang minutong pag titig niya sa kisame at unti-unti na siyang dinadalaw ng antok, at nakatulog na nga.

Bigla namang naalimpungatan si Benjie ng meron siyang naring at naramdamang nagbukas ng pinto ng kanyang kuwarto. Hindi nalang niya binigyan ng pansin iyon at bumalik na lamang sa pagtulog.

Sa pagkakataong iyon, meron naman siyang naramdamang tumabi sa kaniya. Ngunit, tila ba parang pinaglalaruan siya ng antok niya, ng hindi nanaman niya mapigilang pumikit at ang naririnig niya lamang ay ang mumunting mga salitang naririnig niya mula sa taong tumabi sa kaniya ngayon.

"I'm so sorry, I'm really sorry kung nasaktan kita. Hin-hindi ko talaga sinasadyang masaktan ka ng lubusan, hindi lang talaga kita matanggap, dahil natatakot ako na baka pag malaman ng mga tao ay lalaiitin ka nila and this also can cause for your future." Paliwanag ng taong nasatabi niya.













The Maid And The Gay Boss / ViceRylle (Editing)Where stories live. Discover now