Catch Me, I'm Falling

1.9K 39 4
                                    

A/N: Advance ko na po ito para sa 62nd Monthsary. Sorry po sa late UD.💛










Tagapagsalaysay:

"Shit." Tanging lumabas sa bibig ni Benjie nang nakitang bumagsak ang babae.

Nagkaguluhan naman ang mga taong naroon nang makita ang pagbagsak ng babae. Agad namang lumabas si Benjie sa sasakyan at lumapit sa babaeng kanyang 'nasagasaan' nito.

Nagpa-panic siyang nilapitan si Maia at inalog-alog ito. “Mis! Jusko po..mis?!” pero, kahit ano pang alog niya dito ay hindi siya kumikibo. Ilang segundo at wala ng maisip na gawing iba si Benjie kaya't ito'y binitbit niya at sinakay sa kanyang sasakyan.
Nagpapanic siyang i-start ang kanyang sasakyan at nag-drive. Honestly, hindi niya alam kung saan siya pupunta.

“Where to go..” tanong niya sa isip habang nagpapanic parin. “Uhm...hospital! Oo nga! Hospital!” bigla niyang saad habang nagpapanic parin.

Kahit nasa hospital na si Benjie ay hindi parin ito mapakali dahil kinakabahan siyang baka napatay na pala niya ang babae.

Hindi mapakaling naghahantay sa labas ng E.R si Benjie habang hinahantay ang paglabas ng doktor. Napakalma naman niya ng kaunti ang sarili ng lumabas ang doktor.

“Mr. Viceral?” tanong ng doktor.

“Yes po, doc.” sagot ni Benjie at lumapit sa doktor.

“Kamusta po siya?”

“Ahm Sir? Ma'am?—” naguguluhang saad ng doktor.

“Sir nalang po.” pagpuputol na sagot ni Benjie sa doktor.

“Okay, Sir. Ang.. pasyente po ay hindi naman malala ang naitamo. Actually, wala naman po talaga siyang ni anong galos.” saad ng doktor.

“Sigurado po ba kayong nasagasaan siya?” dagdag pa ng doktor.

Napakunot noo naman si Benjie dahil aminado siyang nasagasaan niya ang babae. Kitang-kita niya.

“Opo. A-ako po kasi ang nakasagasa sakanya..” nagaalanganin na pagaamin ni Benjie. “Pero, hindi ko naman po sinasadya!” dagdag pa nito.

“Well, I think your mistaken Sir. Nahilo lang po ang pasyente.” pagkaklaro ng doktor.

Pagkasabi noon napaisip bigla si Benjie. What?! nabiglang isip niya.

Nasa kuwarto ngayon si Benjie ng babaeng muntik na niyang masagasaan. Hindi parin kasi gumigising ang babae kaya't hindi siya makauwi. Sabi kasi ng doktor, gagawa pa sila ng test para sa kalagayan ng pasyente.

Sa kabilang isipan naman ni Benjie, baka pinepeke lang ng babaeng ito na nabungho siya, “Baka modus operandi lang niya ito, ah.” saad ng isip niya. “Baka kunwari lang na nasagasaan ko siya para kunwaring ipapakulong niya 'ko para bigyan ko siya ng pera 'tas i-blockmail niya 'ko.” ngunit, napalitan ng paga gulat ang pag-iisip ni Benjie ng gumalaw ang babae.

The Maid And The Gay Boss / ViceRylle (Editing)Where stories live. Discover now