Our Beki Boss.

2K 32 7
                                    

A/N: Flashback III
I'll try to make this the last flashback.

Nang marinig ni Benjie na siya ang hinirang  na bagong presidente at bagong CEO ng kanilang kompanya ay labis ang pagkasaya nito, halos abot langit ang kasiyahan nito.

Ngunit, sa kasalukuyan tila nanigas naman sa kanyang kinauupuan si Benjie habang nakatitig sa kanyang lolo in confusion kahit alam niya naman talaga kung anong ngyayari. Binigyan naman ng tingin ni G. Viceral si Benjie na tila ba sinasabing tumayo sa kinauupuan niya at pumunta sa harap.
Wala namang nagawa si Benjie kundi tumayo sa kinauupuan at dahan-dahang nagtungo sa tabi ng lolo niya(sa harap).

"Ah, e..ta-thank you po lo. A-at thank you din po sa inyong lahat na nandito ngayon. Ahm.." Tila hindi naman alam ni Benjie kung anong sasabihin at tinignan lamang ang kanyang lolo.

"Sigh...actually, hindi ko po talaga ito inaasahan. But, I'm very much happy to be the new President and CEO of Red Petals Inc." Dagdag pa niya.

Pagkatapos ang pag papasalamat ng binata(?) sa mga taong kasalukuyang naroon ay nagpalakpakan naman ito at sabay yinakap ni Benjie ang kanyang lolo.

"Thank you lo," bulong ni Benjie sa kanyang lolo habang sila'y magkayakap.

"You deserve it, apo. I'm proud of you." Sagot naman ni G. Viceral sa kanyang apo.

"At bago ko makalimutan, ang magiging bagong assistant mo Benjie, ay si...Markus!"
Masayang pagbubulgar pa ni G. Viceral na slayt ikinakilig naman ni Benjie.

Nang matapos ang malaking announcement, ipinakilala na ni G. Viceral sa kanyang mga aplikante ang bago mag papatakbo ng kanilang kumpanyang Red Petals. Ang bago nilang BOSS......Gay Boss.

Sa bahay ng mga Viceral, kasalukuyang nagce-celebrate ang mag apo.
Tumawag naman si Benjie sa kanyang Ina sa States para sabihin ang magandang balita.

"..opo nay! Hindi nga po ako prepared sa speech ko. Si lolo kasi, maka-surprise." Magiliw na balita ni Benjie sa kanyang Ina.

"I'm so happy na finally magkabati na kayo ng lolo mo after nearly a year." Sagot naman ni nanay Rosario sa kabilang linya.

"Ako nga din po e. This is the happiest day of my life." Masaya na sagot agad ni Benjie sa kanyang Ina.

Pag katapos ng masayang pag-uusap muli ng kanyang ina, masiglang bumalik si Benjie sa kanilang hapag-kainan para ipagpatuloy ang kanilang selebrasyon.

Nang matapos ang maikling sebrasyon, maagang natulog si Benjie para magising bukas ng umaga upang pumasok sa kanilang kumpanya. Ayaw naman daw kasi niyang ma-late sa unang araw niya.

Hanggang sa pagtulog hindi maiwasan ni Benji ang maging sobrang masaya dahil sa sunod-sunod na magagandang nangyari sakaniya ngayong araw, dahil una ay halatang napatawad na ni G. Viceral si Benjie at nag-uusap na sila, at idagdag pa ang pag anunsyo ng kanyang lolo na siya ang magiging bagong boss ng kumpanya nila.

Sa kalaunan ng pag-babaliktanaw sa mga ngyari kanina ni Benjie, sawakas ay dinalaw na rin ito ng antok.

Lumipas ang ilang buwang pag-aasikaso ni Benji sa kanilang kumpanya, kasama pa ang assistant niyang si Mark.
Kahit na lihim na itinatago ni Benjie na may gusto siya sa kanyang assistant ay pinigilan niya ang nararamdaman niya dahil as a true professional- boss lang ang turing ni Mark kay Benji.

The Maid And The Gay Boss / ViceRylle (Editing)Where stories live. Discover now