The Flashbacks.

4.7K 53 3
                                    

Tagapagsalaysay:

Maganda ang umaga, natataman ang kanang mata ni Benjie ng sikat ng araw na tumatagos sa kanyang kortina.

"Yawn, tsk..bwiset naman, natutulog pa nga ung tao..bat kase hindi ka nalang lumabas bukas..." Pag-iinaso ni Benjie.

Bago pa ulit makatulog si Benjie ay nagulat siya dahil sa malakas na pagkasunod-sunod ng mga basag na nanggangaling sa kusina.
Nagulat naman siya at napabangon sa kanyang kama.
Dali-dali siyang bumaba at nagtungo sa kusina. Nang makarating siya doon ay bumulagta sa kaniya ang mga basag na pingan, baso at mga plato. Sa tabi nito ay ang kanilang kasambahay na si Aling Elizabeth(Elisa) na hawak-hawak ang kanyang telepono na naluluha at nakatulala sa sahig na parang wala sa sarili.

"Nay! Ano hong ngyari?!" Tarantang tanong nito sa ginang.

"Wa..wala na, wala siya...wala na ang anak ko.." Sambit ni Aling Elisa habang unti-unting pumapatak ang kanyang luha.







Baliktanaw..

Si Aling Elizabeth ang 'nanay-nanayan' ni Benjamin simula ng naisipan ng kanyang Ina na manirahan nalang sa States.

Sakanya humugot ng lakas si Benjie para ipagtapat sa kanyang Lolo at Nanay na siya ay may pusong babae. Tinanggap naman siya agad ng kanyang Ina, ngunit ang hindi makatanggap sa kanyang pagkatao ay ang kanyang Lolo. Tumagal ng ilang buwan ang hindi pag-sangayon ng kanyang Lolo sa pagkatao niya, masaklap para kay Benjie na ipagkahiyaan siya ng kanyang Lolo at muntukan ng itakwil bilang kanyang apo.

Para kay Benjie, ang kanyang Lolo nalang ang siyang tinuturing niyang pangalawang Ama simula noong pumanaw ang kanyang totoong ama, kaya naman napakasakit ito para kay Benjie.

Isang araw, nang dumating galing Kuala Lumpur, Malaysia ang kanyang Lolo galing ng business trip. Tulad ng mga nakaraang buwan, hindi parin siya pinapansin o kinikibo ng kanyang Lolo.

Dumating na ng tanghaling-tapat galing business trip si G. Viceral, nag handa naman ng tanghalian ang mga kasambahay nilang sina Rachelle, Joana at si Aling Elizabeth para sa kanilang mag-apo.

Simula kasi ng nanirahan nalang sa States ang nanay ni Benjie, sila nalang ang mag-apo ang naninirahan doon o di kaya naman kapag wala ang Lolo niya dahil na din sa sobrang busy sa mga pinupuntahan niyang mga business trip ay paminsan naiiwan nalang si Benjie at ang kanilang mga kasambahay sa kanilang tahanan.

Kasalukuyang nag tatanghalian ang mag-apo, wala naman ni isang kibo o kamusta man lang sa kanyang apo si G. Viceral.
(Grabe siya oh!)


Nabalot naman ng nakakabingi na tahimik sa hapagkainan nila, nakasilip naman sa kusina ang mga kasambahay nila kabilang na dito si Aling Elisa na labis na nalulungkot sa hindi pagkikibuan ng dalawa at isali pa ang mabigat na galit ni G. Viceral sa kanyang apo dahil sa pag amin niyang pagkatao, paminsan naiisip ni G. Viceral na sana hindi nalang sinabi sakanya ni Benjie na may pusong babae ito dahil mas pipiliin niyang mag panggap na lalaki nalang si Benjamin kesa sa aminin niyang bakla siya.

Sa wakas naka hugot naman ng lakas si Benjie para siya na ang mag simula ng komunikasyon nilang dalawa.

"Lo-...." Bago pa man makapagsalita si Benjie ay bumangon na sa inuupuan niya si G. Viceral at nag tungo sa kusina dala ang kanyang baso.
Nalungkot naman si Benjie.

The Maid And The Gay Boss / ViceRylle (Editing)Where stories live. Discover now