CHAPTER THIRTEEN

34.6K 122 4
                                    

Dahan-dahan ako nitong inupo sa bench sa likod lamang ng BST department building, nagpupumilit pa nga itong dalhin ako sa clinic ng school ngunit pinigilan ko ito. Bukod kasi sa baka tawagan si kuya dahil sya ang nakalagay na guardian ko dahil sa lagi namang out of the country ang mga parents namin, ay baka makita ko lang doon sina Jax at Valerie.

I calm down myself and take a deep breath. Ano ba namang laban ko dito? This feeling sucks talaga. Lagi na lang yata akong na se set aside.

Umupo ito sa paanan ko ngunit ang isang tuhod nito ay magkasalikop habang ang isa'y nakalapat naman sa sahig, "Are you okay Cha?" Tanong ni Trevor sa akin, may bahid ng pag aalala ang mukha nito habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"You're girlfriend is not okay, bakit ako ang tinutulungan mo?" Tanong ko dito and roll my eyes.

"I saw it." And pat my head, ugali na talaga nito non kagaya ng kaibigan nito.

Lohan? Why this past few days ay hindi na kita iniisip?

"Just tie your hair everyday ayts?" Usal na naman nito .

"You saw it?" Ani ko dito.

Tumingin ito ng matiim sa akin bago sumagot, "Yeah.."

"Then why you didn't help me?" Tinampal ko ang balikat nito.

"Aww hahaha sorry..." Tawa nito habang hinihimas ang balikat nito.

Naglilitawan na naman ang mga biloy nito, "Nǐ de cuò!" (Bastos ka!) Napapanguso parin ako ngunit bahagya akong napapangiti ng sabihin ko iyon.

Ang sakit talaga ng balakang ko.

Ngumiti ito, "Late na ng makita ko Cha, kung meron lang akong super power para mag ala the flash ako doon kanina sana natulungan kita...... and I'm waiting for Sandejas reaction... Sorry..." Tinanggal nito ang eyeglasses na suot ko. "Why are you wearing this?" Habang hawak nito iyon.

Nginitian ko ito, "I just want, bawal?"

"Don't wear it from now on.." At tinignan nito ang uniform na suot ko, "Let's change your uniform also.. Ang baduy mo hahaha."

"It's okay la! Don't mind it okay?" Kinuha ko ulit eyeglasses ko dito at isinuot ulit iyon.

"I'm not satisfied.." Usal na naman nito.

"What?" Hindi ko ito maintindihan.

"Maybe I can do more.."

Ganoon parin ang posisyon nito habang patuloy kaming nag-uusap nito. "Huh?" Naguguluhan talaga ako dito. "What do you mean?

"Nothing.. Don't mind me.." Mukhang wala nga itong balak magkwento kaya hindi ko na ito kinulit pa tungkol doon. Maybe some other time. Parang ang weird nito.

Naalala ko naman ang ginawa kani-kanina lang ni Valerie, "That girlfriend of yours is such a weirdo." Napapailing kong turan dito.

"Yes she is.." Parang walang kagana-ganang sagot nito sa akin.

"Do you love her?"

Tila nag iisip ito, "Love?" Tumayo ito at umupo sa tabi ko habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay and look up at tila nag iisip ng sagot sa tanong ko doon.

The Fake Girlfriend Of The Campus KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon