CHAPTER FOURTEEN

34.4K 119 8
                                    

Hinatid ako ni Trevor sa bahay ngunit hanggang sa may labasan lang, maggagabi na din kasi inalok ko pa nga itong pumasok muna sa bahay ngunit tinanggihan nito ang imbitasyon ko. Makikipagkita daw ito sa mga guanxi ng pamilya nito, kaya hindi ko na ito pinilit pang pumasok. Mukhang importante ang pupuntahan nito.

Half Chinese at half Filipino si Trevor ngunit hindi ito ganoon ka fluent sa pagsasalita ng intsik though nakaka intindi naman ito.

Dahan dahan akong naglakad papasok sa bahay dagdag mo pa ang sakit ng balakang ko kaya inaalalayan ko ang katawan ko sa bawat pagtapak ko sa sahig at pinipilit na huwag gumawa ng ingay, mabuti na lamang at sarado na ang ilaw. Nakalimutan ko pa nga ang backpack ko sa hall kanina, ngunit nasabihan na ako ni Bam na kinuha nito ang bag ko at ibibigay na lang daw nito sa akin bukas.

Kakatapak ko palang sa unang baitang ng hagdanan ng marinig ko ang boses ni kuya Dylan. "Nǐ qù nǎ'erle?" (Saan ka nanggaling gabing-gabi na?) Mahina lang ang pagkakabigkas ni kuya doon.

"Ang puso ko!!" Napahawak naman ako sa dibdib ko, nagulat ako sa biglang paglitaw nito sa likuran ko. "Kuya naman eh!" Pagmamaktol ko dito.

"Nǐ zuòle shénme?" (Saan ka nanggaling?) Inulit lamang nito ang tanong nito at hindi nito pinansin ang kunwaring pagmamaktol ko dito.

Hinarap ko ito at nginitian ng pilit at nag peace sign dito. Magkasalikop ang mga kamay nito, mukha talaga itong Zǔfù pag kumikilos lalo na pag nagseseryoso ito. Napahagikgik naman ako ng bahagya sa naisip kong iyon, ng makita ni kuya ang reaksyon ko'y pinagtaasan lang ako nito ng kilay. Pinaglapat ko naman ang labi ko para pigilan ang aking pag ngiti mukhang seryoso itong si kuya eh.

Tumingin ako sa wall clock sa tapat ng staircase namin, "Wǎnshàng bā diǎn sānshí fēn hehe." (Eight thirty palang)

"Hái zǎo ma??? (Maaga pa ba???) Tumingin ito ng matiim at pinasadahan ako ng tingin habang nakakunot ang noo nito, pasimple ko namang itinago ang kamay kong nasugatan kanina lang, "Whose with you???"

"Trevor kuya.." Totoo naman.

"Nǐ wèishéme hé tā zài yīqǐ?" (Bakit kayo magkasama?)

Ang lakas talagang mag interrogate nitong si kuya, kaya takot na takot akong ipakilala sa mga ito si Lohan noon nung kami pa dahil sa pagiging protective ng mga ito, noong malaman ni lolo na may boyfriend ako ay sobrang nagalit ito hindi ko alam kung bakit ganon na lang ito kagalit noon. Ipinaglaban ko ito noon sa mga ito kaya ganoon na lamang akong nasaktan dito ng lokohin ako nito at ipagpalit ako sa bestfriend ko, kinalaban ko ang pamilya ko para dito ngunit nawalan lamang ng saysay ang pagsuway ko sa pamilya ko.

Si lolo ang isa sa dahilan kung bakit akong lumipat ng paaralan ngunit hindi din ako tumutol dahil nagustuhan ko din ang desisyon nyang iyon.

Napahawak naman ang kaliwang kamay ko sa hikaw na suot suot ko at bahagyang nilaro-laro iyon.

What to say?!

Kinakabahan ako dito kay kuya.

"Bié shuōhuǎng, wǒ rènshì nǐ.." (Wag mong subukang magsinungaling, kilala kita) ewan ko ba't mannerism ko ito pag nako confuse, kaya mabilis akong mabisto nitong si kuya.

Lumunok pa muna ako ng paulit-ulit at nag-isip ng tamang sasabihin dito.

"Shénme??! Ang tagal!" (What??) Tila naiinip ito sa paghihintay sa sagot ko.

The Fake Girlfriend Of The Campus KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon