Pilipinas

2.9K 70 6
                                    



"Ikaw ba ay mabalak na magpakamatay? Akala mo ba hindi ko malalaman na dalawang sem ang in-enroll mo? Kheezy, hindi ka naman ata nagmamadaling makatapos niyan?" Nakasunod lang siya saakin habang naglalakad ako.

Kong kelan nasanay na ako sa dalawang sem na pinasok ko saka naman niya malalaman. Mahirap! Sobrang hirap dahil wala na akong time para sa mga pamangkin ko. Ang akala nga nila kuya ay nagpart time job ako. Hindi, sadyang gusto kong lang talagang makatapos ng pag-aaral para magawa ko na ang mga gusto ko.

Palihim din akong tumutulong kay tito Jc sa katauhan ng ibang tao. Dahil panigurado hindi ako papayagan ni Tatay kapag nalaman niya ang ginagawa ko. Atleast ngayon unti unti nang nakakaahon ang kompanya nila Tatay.

Nakakalungkot man na hindi ko napigilan ang pagta-transfer ni Nanay sa ibang pangalan ang kompanya, kampante parin ako na mababawi ko yun. Soon!

Hindi ko hahayaan na si Nanay ang magbayad sa kasalanang ako naman ang may gawa.

As of now nagiging maayos ang flow ng buhay ko, masaya, may konting lungkot pero buo at kompleto.

Magkakasama na kaming lahat dito sa America. Kahit si Kiel ay nagtransfer narin dito dahil gusto niyang dito mag-aral kasama ko.

Kami lang dalawa ni Kiel ang nakakaalam sa mga pinaggagawa ko. Katunayan ay ginaya niya din ako na mag-double sem para mas mapadali ang lahat.

Private ang infos tungkol doon kaya hindi ko alam kong papano nalaman ni Joshie ang tungkol doon.

"Joshie, manahimik kana ha! Malapit na tayo sa bahay baka magtaka si Nanay" banta ko sa kanya.

"Hindi ba sila magtataka? Nextyear graduate kana samantalang ako 3rd year palang."

Naisip ko din naman yun.

"Sasabihin kong bobo kalang talaga" biro ko kaya napasimangot siya. Huminto ako sa paglalakad at kinurot ang pisnge niya.

"Cute.." Sabay ngisi.

Isang ngiti ang sumilay sakanya.

"Uy crush mo na ako? Hindi na si Thomas?" Mapanukso niyang sabi.

Inirapan ko siya.

"Thomas? Sino yun? Ah yong pervert na manyak na nakipag-make out sa may garden? Yuck, wala akong crush na manyak!"

Sabay lakad. Sinundan niya ako.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay nag-aasaran lang kami. Pagdating namin sa bahay ay lahat sila nasa sala. May iilang maleta ding nandoon.

"Tay, Nay.. Anong meron?" Kinakabahan ako. Hindi ko mabasa ang reaksyon nila basta ang alam ko ay may hindi magandang nangyari.

"Nak, uuwi kami ng Pilipinas." Nag-igting ang panga ko. Hindi ko maintindihan. Akala ko ba magtatayo na sila ng business dito.

"Si Mommy, Nak! Nasa Hospital inatake daw kaninang umaga. Hinintay kalang namin na dumating. Kailangan na naming umalis" namumula ang mga mata ni Tatay.

"Paanong nangyari?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi sinabi ni JC saakin ang ibang detalye. Malalaman ko palang pagkauwi ko" tatay.


Hindi ko alam kong anong tumatakbo sa isip ko pero bigla nalang akong tumakbo papasok sa kwarto ko. Naririnig ko ang pagtawag nila pero hindi ko sila nilingon.

Agad kong kinuha ang maleta ko at naglagay ng damit. Sasama ako sa kanila!

"Anak anong ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ni Nanay.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Where stories live. Discover now