special chapter 2

3.3K 70 8
                                    

-gender






"Babe, anu ba ang isusuot ko? Bakit naman kasi ang bilid lumaki ng tiyan ko. Hindi na naman nagkasya yong mga pinamili natin. Nakakainis!"

Napangiti nalang ako sa inaasta ni Kria. Para siyang batang nagmamaktol. Iniisip ko nga baka ibang Kria to at nagpapanggap. Magkaibang magkaiba sa Kria na nakilala ko.

Siguro baka ngayon lang to dahil buntis. Baka kapag nanganak siya ay bumalik na siya sa dati. Naku wag naman sana, okey na yong ganito atleast nagpapalambing siya ng nagpapalambing saakin.

Netong nakaraang linggo ay nahihirapan ako sa paglilihi niya. Kong anu ano kasi ang gusto niyang kainin. Sinunod ko din ang sinabi ni Pat. Tawang tawa nga sila Tita saakin nang umuwi ako dito sa kanila na lahat ng klaseng prutas binili ko. Para kong anu lang maisipan niyang kainin ay nandiyan na. Sa ulam naman ay wala akong gaanong problema sa kanya. Basta walang bawang at ayaw niya sa kulay pulang putahe.

Minsan pala nakakatawa ang buntis no? Kong anu ano ang mga nasa isip.

Ngayon marami akong oras sa kanya. Medyo nakakahiya man kay Tito at Tita dahil sa sila daw muna ang bahala sa Kompanya tinanggap ko ang alok nila.

Pinaplano narin kasi nila ang merging ng Kompanya nila Kria at KB Co. para hindi nadaw kami gaanong mahirapan lalo na't ngayon nagpaplano kami ng kasal namin.

Beach wedding ang gusto ni Kria. Gusto niya private daw hindi tulad ng kasal nila A. Gusto niya malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang dumalo sa kasal namin.

Okey din naman ako dun. Kaso gusto ko sana sa simbahan. Ang sabi naman niya pwede kaming ikasal ulit at sa simbahan na.

5 months na si Baby, kaya hindi na kami gaanong nahihirapan sa paglilihi niya. Doble ingat nalang sa pagtulog niya. May kalikutan din kasi itong si Kria, baka kasi mamaya ay maipit si Baby sa tiyan niya.

Kadalasang sinusuot niya ngayon ay yong mga tshirt at boxers ko. Hindi na kasi magkasya ang mga damit na binili namin noon. Sabagay 3 months lang nun si Baby.


"Baby, magtshirt kana lang muna. Dapat kasi yong mga leggings ang binili mo para stretchable."

Ganun din kasi ang mga binili niya. Mas maluwag nga lang ng konti. E ngayon hindi na siya pweding magmaong shorts lalo na at malaki na ang tiyan niya. Ang takaw kasi sa malamig kaya mas lalong lumalaki si Baby.


"Puro tshirt mo na babe ang sinusuot ko. Pambahay, pantulog pati ba naman pang alis."

Reklamo niya.

Lumabas siya ng naka robe lang kaya sinundan ko siya.

"Buntisa san punta mo?" Tanong ko sa kanya.

Nakakatuwa siyang tawaging buntis dahil naiinis siya doon.

Ang laki na nang balakan ni baby. Malaki narin ang tinaba niya. Pinaka-the best? Ang ganda niyang buntis.

"Pupunta ako kay Nanay. Manghihiram ako ng damit. Naka nandiyan pa ang mga pambuntis niya."

Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ko.


Nasa tapat na kami ng kwarto ni Tita. Good thing ay bukas.

"Nay.." inaayos ni Tita ang necktie ni Tito.

"Yes anak? May problema ba?" Tanong ni tita.

"Nay, nandiyan paba yong mga damit mong pang buntis? Urgh! Nahihirapan kasi ako maghanak ng damit. Pwede bang crop top nalang isuot ko? gezz, ang panget tingnan."

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon