supremo

2.9K 75 3
                                    



"Saan mo ako dadalhin?!" sigaw ko sa kanya. pero wala akong natanggap na kahit anong mensahe galing sa kanya. ilang beses akong nagmura sa isipan ko dahil sa bilis ng pagmamaneho niya. ibang iba na ang hitsura niya ngayon sa noon! noon isang enosenteng Dylan ang nakikita ko, pero ngayon kitang kita ko ang sakit at galit sa mga mata niya. Aaminin ko mas lalo siyang naggwapo  ngayon, kitang kita na ang pagiging lalaki sa mukha niya. mas naging firm narin ang katawan niya sa tantya ko ay meron na siyang abs. mukhang alagang alaga rin siya sa sarili niya, mula sa pananamit, sa hygiene, yong buhok niyang naka-brush up. pati ang kilos niya ay ibang iba narin!



"here" sabay abot niya sakin ng fuji camera.


napakunot ang noo ko.



"take me picture, it will last longer" sabay ngisi.


napasinghap ako. mukhang nawawalan ata ako ng hangin dito sa sobrang inis ko sa kanya.



"hindi ako nakikipagbiruan! ibaba mo na ako, gusto ko nang umuwi!" singhal ko sa kanya.



Nawala ang ngisi sa labi niya at napalitan ito ng seryosong mukha.



kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero hindi ko makapa ang cellphone ko. napapikit na lamang ako.




"anu ba talaga ang plano mo? pwede ba ibaba mo na ako, hinahanap na ako samin. si Joshie paniguradong nag-aalala na yun sakin"



"pwede ba manahimik ka!" sigaw niya. napaawang ang bibig ko dahil sa pagsigaw niya. nakatitig lang ako sa kanya habang hinihilot niya ang sentido ko.


Nakakatakot siya...



yong sigaw niya ngayon ko lang narinig pero nakakakilabot. nakaramdam ako ng kaunting takot! paano kong patayin niya ako? san ba niya ako balak dalhin ? mukhang malayo na ang nararating namin.



Nakatingin lang ako sa labas. ayoko na siyang tingnan, dahil kinikilabutan lang ako kapag nagagawi ang paningin ko sa kanya.



Unti unti kong dinilat ang mata ko ng may tumatapik tapik sa mukha ko. Bigla akong napaayos ng upo dahilan para mauntog ang ulo naming dalawa! sino ba naman ang hindi matataranta kong pagkakita mo ay ang lapit na nang mukha niya sa akin.


f*ckshit ang sakit ng ulo ko. nayanig ata ang pagkatao ko.


napahilot ako sa paghilot ng ulo ko ng makita ko ang paligid. 



BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon