pagkikita

2.9K 63 8
                                    

"Miss ready na po yong board. Nasa conference room na sila."


Tumango ako. Kinuha ko lang ang cellphone ko at yong folder na naglalaman ng contract.

May kameeting ako ngayong investors. Mag-iinvest para sa itatayo naming mga bagong building sa tagaytay.

"Good morning Miss." Bati saakin ng mga panauhin.

Tumango ako sa kanila.



"Shall we start?" Malamig kong tugon.

Isang department ang nagpresent ng kanilang blue print at design para as gagawing building.

Nilalaro ko lamang ang cellphone ko . Bago paмan nila maipresent sa mga investors ay maigi ko itong pinag-aralan. Ayokong pumalpak ang mga project namin lalo nat hindi pa naman matagal itong kompanya namin. Ni hindi pa ito nag-isang taon. Mabuti nalang ay nagkaroon agad kami ng mga investors.

"So? What do you think?" Deretsahan kong tanong sa mga investors.

Nagtinginan naman sila at parang nag-uusap usap.

"Wala kaming problema sa project na ito Miss. Actually kahit hindi pa kayo nagpe-present ay mag-iinvest talaga ako sa kompanya mo. Maganda ang proyektong ito. But hindi namin ito matututukan dahil marami din kaming inaasikaso."

Napangisi ako.

"Don't worry Mr. Villarama. Pagdating sa mga project na ginagawa ng kompanya ko ay hands on talaga ako."

Professional kong sabi sa kanila.


"Kong ganun Miss. Gusto naming i-suggest ang Kompanya ng Nanay mo sa project na ito?"

Bigla akong natigilan sa sinabi nila.

"I mean. Alam mo naman na ang KB Co. Ang top 1 construction firm at pinakamabilis dito sa pilipinas. Malaking project ito Miss, gusto lang namin makasiguro. Ayaw naming mapunta sa wala ang perang ilalabas namin."

Napasinghap ako. Hindi ko alam kong magandang idea ba ang sinasabi niya o isang babala. Damn! I can't ! Oh yeah matagal na akong nakapag-move on sa kanya. Mula sa pananakit niya pero iba parin kapag makakaharap mo siya sa personal.

Its been a year simula ng nangyari. After nong gabing yun kinabukasan ay umalis din kami nila Nanay. Sinamahan nila ako at sinigurado nilang okey ako! Ofcourse okey ako sa harap nila. Doon ako magaling ang magpanggap! Ang magtago ng nararamdaman. Ang itago na mahina ako.


After ng meeting ay pumasok akong muli sa aking opisina. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang sinasabi ni Mr. Villarama.

"As an investor you should consider also our opinion and descision."

Napailing nalang ako.

So what? Kong makikita ko siya? Anu naman ngayon? Isang taon na ang nakalipas. Im sure he's happy now.

"Tulala lang Miss?"

Napairap ako sa kawalan. Nandito na naman itong dalawang babaeng to nangungulit.

"Busy kana masyado Krey magmula ng umuwi ka. Hindi pa tayo nakakapaghang out. Ngayon wala kanang reason para humindi. Dahil magpapasukat na tayo ng gown''

Isa pa tong si A. Alam naman niyang bestman ng fiance niya si Dylan ay ginawa pa ako akong made of honor.

2 months from now magaganap na ang wedding nila ni Pamu.

"Pwede bang umattend nalang ako sa kasal niyo? Diba presence ko lang okey na? Marami talaga kong ginagawa. Lalo na ngayon ay sa Tagaytay ang bago kong project."

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Where stories live. Discover now