Chapter 13 ♥ Seriously

760K 13.5K 4.7K
                                    

Chelsea POV

Dito na kami sa unit ko.

Balisa ako kasi nasaktan ako sa cold treatment ni Kyle kanina sa hospital.

"Pahinga kana Hub." Sabi ni Adrian. "Wag mo na munang isipin si Kyle."

Paanong hindi ko iisipin si Kyle? Pinaalis nya ako sa harap nya kanina.

"MyLoves alam ko nararamdaman mo ngayon pero mas mabuti kung magpapahinga kana." Sabi ni James.

Wala tuloy akong gana ngayon. Gabi na din. Mabuti pa ngang matulog na ako. Nakakapagod din ang araw na ito.

"Tutulog na'ko. Adrian, James thank you. Sana bukas okay na si Kyle. Pwede bang samahan nyo ako ulit dun? Hindi ko kasi alam paano mag-commute papunta dun."

Wala naman kasi akong sariling sasakyan eh. Diko din alam paano sakay papuntang tagaytay. Hindi ko naman kayang hindi puntahan si Kyle. Nag-aalala pa din ako sa kaniya. Isa pa, nasabihan ko siya na ipagluluto ko sya. Kahit itaboy niya ako, hindi ako aalis dun.

"Sige lang. Basta magpahinga kana." Sabi ni Adrian.

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon