Chapter 47 ♥ Pakwan-Pinya

570K 9.5K 3K
                                    

Kyle POV

Nakasandal ako ngayon dito may kotse ko na nakaparada dito sa may labas ng SWU. Hinihintay ko ang baby ko. Tch. Gusto ko sana sya samahan sa library kaso ayaw nya.

May point naman sya. Kasi nga pag ganitong uwian, ang tagal bago ko mailabas ang kotse ko sa parking dahil lahat ng estudyante dito sa SWU, may sasakyan. At sabay sabay pa ang labasan kaya nagta-traffic sa parking lot ng SWU. Kung may pakpak lang kotse ko, edi pinalipad ko na sana.

Nakatingin lang ako sa gate ng SWU nang biglang may babaeng mukhang ewan na lumapit sakin. Mukha syang galing sa mental. Tch.

"Iho.."

-_-

Sino ba 'tong sira-ulong babae na'to. Mukha syang tanga. Tch!

Nakatingin lang ako sa kanya. Hinahayaan ko nalang magsalita kesa itaboy ko. Baka magwala pa. Mukhang baliw eh.

"Nakikita ko ang kapalaran mo. Base sa mukha mo, ang unang babaeng makikita mo sa mukha pagka-alis ko sa harap mo, yun na ang babaeng makakatuluyan mo. Kaya pag nakita mo sya, wag mo na syang pakakawalan. Hindi ako nananakot iho. Palatandaan lamang ito base sa hula ko. Sige iho.."

-_-

Ayun umalis na ang babae. Napatungo ako. Ano bang sinasabi ng babae na yun? Lakas maka-trip.

Kung sinong unang babaeng makikita ko pag-alis nya ay makakatuluyan ko? Funny pero hindi ako naniniwala sa mga hula.

"Gummy bear!"

Napatunghay ako bigla. Ang baby ko, kakalabas lang ng gate. Papalapit na sya sakin ngayon. Hindi ko alam pero napangiti ako. Si nobody ang unang babaeng nakita ko, ibig sabihin sya na? Kung totoo man ang hulang yun, matutuwa ako. Pero dipa din ako naniniwala sa hula.

Dahil ang destiny mo hindi nakabase sa sinasai ng hula. Nasa sa atin yun kung paano natin babaguhin ang kapalaran natin.

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon