Chapter 21 ♥ What If

713K 9.9K 4.2K
                                    

Kyle POV

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng kwarto ko. Nagtext na si Adrian na papunta na siya dito. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko ala, kung may hatid na good news o bad news si Adrian. Tch.

Bzzztt..

Tangina kinabahan ako sa door buzzer na yun ah! Asdfghjkl.

Pinagbuksan ko na kung sino yung nag-buzzer ng pinto.

"Adrian." Sabi ko.

He's smiling at me saka dire-diretsong pumasok ng kwarto ko. Problema nitong si Adrian? Problemado na nga ako nakakangiti pa. Tch.

Naupo siya sa couch ko. "Kyle tandaan mo, nandito ako ngayon bilang kaibigan mo. Matalik na kaibigan at hindi karibal kay Chelsea."

Kahit naman mag-ka-kompetensya kami sa baba. Lumalabas pa din yung pagiging mabuting kaibigan ni Adrian. "Ano bang pag-uusapan natin?"

"Si Chelsea."

"Ano?" Shit. Kinakabahan ako kapag ganyang nagseseryoso sya e.

"Makinig kang mabuti. Si Chelsea, na-meet nya kanina yung Papa niya."

Ano daw? "Ulila na si nobody. Paanong ma-me-meet niya Papa niya? Ano yun kaluluwa?"

"Mamilosopo ka pa Kyle. Tch. Nalaman namin na matagal na pala siyang pinapahanap ng Papa niya. Yung palang kinilala niyang tatay nun, hindi niya totoong Papa."

"Oh tapos?"

After 123456788 years, naikwento na sakin ni Adrian lahat-lahat.

Edi ibig sabihin mayaman na nga si nobody kasi sabi ni Adrian mayaman yung tunay na Papa ni nobody.

"E anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan?" Tanong ko. Parang baliw yang si Adrian.

"Alam mo ba kung bakit tinanong ko sa'yo kanina kung anong pangalan ng ama ni Mandy?"

Tch. Pabitin kapa Adrian. "Oh bakit."

"Dahil siya ang tunay na ama ni Chelsea."

"Oh, e tapo---"

"ANONG SABI MO?"

Teka. Naguguluhan ako. Ano nga yung sinabi ng kumag na'to.

"Si Alexander Aguilar ang tunay na Papa ni Chelsea."

Tunay na ama ni nobody ang tatay ni Mandy?

Ibig sabihin...

"HALF SISTER SILA NI MANDY??" Sigaw ko.

Shit. Anong klaseng rebelasyon 'to?

"Definitely. Kaya nga ako nakangiti dahil naisip ko na may pag-asa na ulit kayo ni Chelsea. Dapat si Chelsea ang mai-arranged marriage sayo Kyle."

Half sister nga ni Mandy si nobody. At oo tama si Adrian, may pag-asa na kami ni nobody.

"YES!!"

Napasigaw na'ko sa tuwa. Shit. Akalain mo nga yun?

"Tadhana na gumagawa ng paraan Kyle kaya I think, ipapaubaya ko na sya sayo ng tuluyan."

"Salamat brad sa impormasyon. Tatawagan ko agad mamaya si nobody. Hindi pa ako makaalis dito sa mansyon."

"Basta ikaw brad. Basta wag mo ng sasaktan si Chelsea. Ngayon, sa tingin ko may magagawa ka ng paraan para kayo ni nobody ang ikasal." Sabi ni Adrian.

Tumango-tango ako. "Gagawin ko lahat. Basta para kay nobody. Mahal na mahal ko siya brad. Down na down na ako dahil wala na akong pag-asa. Buti meron pa pala. Ayos!"

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon