Chapter 58 ♥ My Fault

469K 8.1K 1.9K
                                    

Chelsea POV

Nagising ako nang makarinig ng ingay. Pagmulat ko..

Puting kwarto..

Tumingin ako sa paligid ko. Ang tigers andito.

"Gising na si Chelsea!" Sigaw ni Ken.

Naglapitan sila sakin. Pero isang tao lang ang hinahanap ng mata ko -- si Kyle.

"Si Kyle?" Tanong ko.

"Biglang umalis kanina kasi may tumawag sa kanya. Importante yata kaya kami muna magbabantay dito." Sabi ni Oliver.

"B-Bakit pala ako andito?" Alam ko ospital 'to eh.

"Nahimatay ka Chelsea. Sabi ng doctor. Stressed ka daw. Masyado ka daw madaming iniisip. Dapat alagaan mo ang sarili mo lalo na ngayon na buntis ka." Paliwanag ni Jerome.

Tumango lang ako. So yun pala. Di ko man lang inaalagaan ang sarili ko. Ayokong mapahamak ang baby namin. Stressed daw ako dahil madami akong iniisip.

Oo madami akong iniisip lalo na yung kay Kien. Kaya nga sa tingin ko, diko na yun kailangang itago kay Kyle. Sasabihin ko na sa kanya ang tungkol don pagbalik nya dito sa ospital. Ayokong maapektuhan ang baby namin dahil sa pag-iisip don.

Basta. Sasabihin ko na sa kanya ngayon. Asan naba yon?

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon