CHAPTER 6: Band for the Moment

56 3 0
                                    

Cazzryl..

Friday.

Yeah! Wooh! Umagang-umaga lakas din maka-sound trip ng bahay na 'to. Nagising ako dahil sa lakas ng tugtog mula sa baba. Tulog pa si ate, masyadong inantok ang lola mo.

Anong meron? Bakit parang marami atang tao sa baba? May birthday ba ang isa sa mga kamag-anak namin? Wala naman akong natatandaan.

Better kung bababa nalang ako at aalamin ang mga nagaganap. Ang ingay sa baba, naaamoy ko din ang samo't saring amoy ng pagkain, more likely ulam. At *cough* *cough* ba't ang usok naman ata?

"Happy fiesta Cazzryl!" Bati kaagad sa akin ni tina Merly pagkababa ko. "Ikaw na ba talaga yan? Ang ganda mo pa rin, mas lalong gumanda. Hay, kung naandito lang sana si Luke mabibighani siya sa'yo." Sabay yakap sa akin. Duh. Maliit na bagay, haha. Si Luke? Magugustuhan ako? Asa pa. May LJ na ako. Mas matutuwa ako kung sasabihan ako na mabibighani sa akin si LJ, kapag nakita niya ako.

"Hindi naman po tita. Mas maganda pa rin kayo." Pambobola ko. Kahit na hindi naman kami close, at hindi ko siya madalas na nakikita, marunong din naman akong makisama. Sanayan lang yan.

"Talaga? Mambobola ka rin pala, para kang daddy mo." Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko nalang inintindi. "Bweno, hindi nga pala makakapunta si Luke dito. Pero uuwi siya ng Pilipinas. Sa Manila lang siya mag-s-stay ng apat na araw. Pinilit ko ngang pumunta na dito, kaso masyado daw siyang magiging busy." Pagpapaliwanag niya.

"Opo nga daw tita. Nasabi niya na po sa'kin. Nasaan po si mama?" Kukunin ko ang pera ko sa kanya para sa pag-gagala namin mamaya ni ate. At swakto pa, fiesta pala dito. Kaya naman pala maraming bisita.

"Tara sa kusina. Ipapakilala ka namin sa mga kaibigan namin." At hinila ako ni mama. Sumunod naman si tita Merly.

"Everyone! This is my youngest daughter. Naaalala niyo pa ba?" Ngumiti-ngiti naman ako sa kanila. Halata ang pagkagulat sa mukha ng iba.

"Cazzryl? Ikaw na yan? Kaganda mo nang bata ka." Ahumm. Siya na ang may sabi niyan, maganda daw ako. Baka lumaki ang ulo ko sa mga sinasabi nila. "Natatandaan mo pa ako?"

As if naman. "Ay hindi na po." Sabay harap ko kay mama at bigay ng "who's that pokemon" looks.

"Ako si tita Sally, kapatid ng tita Merly mo." Tumango-tango nalang ako. Magkamukha nga sila ni tita Merly.

Nagpakilala silang lahat sa'kin. Karamihan sa kanila ay kaibigan ni mama at ang iba ay echos lang.

Pagkahingi ko kay mama ng pera ko, lumabas na ako ng kusina. Nakayuko ako dahil nagbibilang ng pera habang naglalakad nang may nakabanggaan ako. Mag-so-sorry sana ako, pero...

"Ikaw nanaman?! Anong ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba ako?!" Natawa lang siya at dumiretso sa kusina. The guy at the mall. Don't tell me taga-dito siya.

Sumilip ako sa gilid ng pasukan ng kusina. Kinakausap siya ni tita Sally. Tapos binigyan siya ng pera, at pabalik na siya dito. Shocks.

Agad-agad akong tumakbo pabalik sa taas, kaso natapilok ako. Matutumba na sana ako nang may sumalo sa'kin. This perfume.

"Mag-iingat ka kasi. Paano kung wala ako dito para saluhin ka. You'll fall and will be hurted, kasi walang sumalo sa'yo." Style niya bulok. Tss. Cliche naman ang hugot niya. Wala pa ring papalit at makakukuha sa trono ko.

"Bakit sinabi ko bang saluhin mo ako?" Mataray kong response at saka siya inirapan.

"Sungit. Siya na ngang tinulungan, siya pa'ng maldita. Malaglag ka sana sa hagdan." Dinig kong bulong niya. Diretso lang ako sa pag-akyat at nilakasan ang pagsarado ng pinto. Kaaga-aga may nagpainit nanaman ng ulo ko. Hay! Bakit ba ayaw mawala sa mundong ito ang mga asungot?! Bakit ba ako naaasar sa kanya?! Nakakaasar! Huhugot-hugot pa, waley naman. Tss. Shh. Kakaasar.

His Zealous FangirlWhere stories live. Discover now